Over-sized THIRTY TWO (32) Hectares “DEPOT” in Valenzuela City

Dear Secretary Tugade,

Matanong ko lang po, saan niyo po ilalagay ang mga taong mawawalan ng tirahan at kabuhayan pag tinuloy niyo ang pagtayo ng OA na depot na yan?

Ang depot na tinutukoy ko ay ang  Mega Manila Subway Project, proposed by the DOTR and the LGU of Valenzuela City. 

Halos buong barangay ang mawawalan ng tirahan at trabaho.

  1. More than 500 buildings will be affected.
  2. More than 2,000 employees will be jobless.
  3. More than 3,000 families will be dislocated.   

Legitimate land owners ang pinag-uusapan natin dito ha. Hindi kaya mas mapapamahal ang gobyerno dito? Hindi niyo ba naisip yun ni Mayor Gatchalian?

Alam niyo kung bakit OA to?

Given na ang plano niyo ay 200 cars, napakalaki pa din ng 32 hectares.

In a developed country with extensive subway system like Japan, their depot sizes goes between 3 hectares to 7.9 hectares. Singapore boast a 16 hectares depot but like our MRT-3 depot, it is located underground. Depot locations are usually at the terminus of the subway line, outside of prime commercial areas.

Maraming government property pa along Bulacan or Cavite, na wala pang nakatira at walang pamilyang madidisplace. Bakit hindi yun ang hanapin niyo?

Bakit kailangan ang tao ang magsasakripisyo? Those residents sa Brgy. Ugong, Valenzuela City ay nakatira diyan all their lives. Doon na sila lumaki, nagka-anak at nagka-apo.

They started dwelling on their lands when roads and basic facilities were non-existent. Ngayong maganda na buhay nila at nakapagpatayo ng stucture, basta niyo na lang papaalisin?

Walang masama sa pagkakaroon ng Mega Manila Subway Project, mabuti ito para maibsan ang traffic sa Metro Manila, pero sana naman maghanap ng depot sa tamang lugar.

Bulacan and Cavite are the terminus where plenty of Government properties are still available. Yung wala pang nakatira, yung walang pamilyang mapapalayas, yung walang mga taong mawawalan ng hanapbuhay.

Maawa kayo sa mga taga Brgy. Ugong. Pakinggan niyo ang kanilang hinaing.

Makonsensiya Sana,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *