An Open Letter to VP Leni Robredo

Dear VP Leni Robredo,

Pangatlo ko pong open letter to sa inyo. The reason why I am writing kasi napansin ko po nagkakalat na naman ang fake news about po sa inyo. Yung mga propagandist salitan sa pagtira sa inyo. But I am glad at hindi po kayo apektado masyado sa pagiging toxic ng mga pro Duterte bloggers.

A few days ago pinagdiskitahan kayo ni Bongbong Marcos sa vlog niya at sinabi na wala daw kayong nagawa. Ayokong maniwala, kaya naghanap ako ng resibo.

Exhibit 1

Alam ko po na kayo ang nagrerepresent ng ating bansa sa mga opisyal gatherings. Minsan nagsasalita din po kayo. Buti na lang hindi po kayo marunong magmura. Kasi at least kahit papano nakaka encourage  pa kayo ng mga investors. Resibo.

Exhibit 2

Bilang Vice President obligasyon niyo po na mag supervise na ang kakarampot na budget niyo po ay magastos ng tama. Sa administrasyon ni Duterte ang budget ng PCOO kung saan nabibilang si Mocha ay is P1.351 Billion. That’s P3.7-M every day. Samantala ang OVP na maraming tinutulungan ay less than 500 million lang.

Angat Buhay is the OVP’s anti-poverty flagship program. Ang daming natulungan na mga pamilya. Resibo.

Exhibit 3

Isa sa mga nakakainspire na programa niyo po ang istorya ng pag-asa. Istorya ng Pag-Asa aims to direct our social conversations away from animosity and toward positivity by spreading stories of hope. Resibo.

Exhibit 4

Meron din pong Metro Laylayan kung saan yung mga neglected communities – those living in the fringes of society or “laylayan” – in the nation’s capital ay naabutan ng tulong. Resibo.

Exhibit 5

Meron din po pala kayong Angat Kabuhayan project na kung saan kinoconnect niyo ang several high-growth industries and linking them with the communities who can provide quality employment.

Exhibit 6

Ngayon naman malapit nang maturn over ang pabahay na project sa Marawi.

Iilan lamang po ito sa mga ginagawa niyo po. Ito po siguro ang dahilan kung bakit wala na po kayong panahon pansinin ang mga trolls gaya nila Mocha, Sasot at TP.

Maraming salamat po sa tapat niyong paglilingkod sa bayan. Alam ko po sa sitwasyon niyo ngayon anuman ang gawin niyo patuloy po kayong sisiraan ng kampo ni BBM na isang batas lang ang nagawa noong sya ay senador.

Pero Ma’am, sa panahon ng kadiliman sa bansa mas magiging masaya po ang mga Pilipino kung maririnig namin kayong magsalita lagi sa mga mabibigat na isyu na kinakaharap ng lipunan.

At saka huwag kayong mag alangan sa mga trolls marami kaming magtatanggol sa inyo.

More power po!

Patuloy na Susuporta,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *