An Open Letter to the Vice President of the Philippines

Dear VP Leni Robredo,

Ang dami ko nang blog about you, hindi ko na nga sya mabilang eh. I supported you and Mar Roxas last 2016 election.

I supported you kahit ni minsan noong panahon ng campaign hindi pa tayo magkakilala. Nagkakilala lang tayo noong nanalo po kayo, pumunta po ako sa office niyo, konting kwentuhan then nagpapicture po ako with you.

Ang sulat po na to, ay gusto kong ibahagi sa mga tao kung paano ko po kayo nakilala sa iba’t ibang aspeto ng buhay niyo.

BILANG ASAWA

Alam ko po na when you married Secretary Jessie, binuhos niyo na ang oras niyo bilang maybahay. You have been a devoted wife. Pero hindi po yun naging hadlang sa inyo para tuparin niyo po ang pangarap niyo maging abogado. You juggle your time like a pro bilang isang law student, bilang isang ina at bilang asawa. Tinitira kayo nila Mocha na hindi kayo take one sa bar, hindi naman mahalaga yun eh ang importante nairaos niyo ang bar at abogado na po kayo.

BILANG ISANG INA

Namatay si Secretary Jessie, nagluksa ang buong bansa, pero nakita ko po sa inyo kung paano kayo nagpakatatag bilang ina.

Ginampanan mo ang papel ng ama at ina kina Aika, Tricia at Jillian. Halos sa bawat occassion nila, gumagawa ka ng paraan from birthday to swimming practice.

You always make it to the point that you are there for your children.

BILANG ISANG BISE PRESIDENTE

Sa limited budget ginawan niyo ng paraan para mas malawak ang inyong matulungan. Nakipagtulungan kayo sa mga private sector para kapit kamay ang mga proyekto.

Araw-araw kayong sinisiraan ni Mocha Uson, dumating pa sa puntong pinagmumura ka niya. Tsinismis ka ni Sass Sasot na buntis. Nilalait ka ni Thinking Pinoy. Kinukuyog ka ng mga trolls. Sa kabila ng lahat ng ito, ang ginawa niyo ay magtrabaho lang.

Pagsilbihan ang mga nasa laylayan. Abutin ng tulong ang mga mahihirap na kababayan.

Paano niyo po kinakaya lahat? Paano niyo po tinitiis ang paninira nila sa pagkatao niyo? Paano niyo pong kinakayang magpakumbaba pa rin habang ang mga trolls gaya ni Sass at Mocha ay tinitira kayo araw-araw?

Pero sa kabila ng paninira mas pinili niyo pong tumahimik at magtrabaho na lang.

Maaring minsan naiinis ako, kasi gusto kong lumaban ka sa kanila, pero naisip ko, maaring tama po kayo, mas maganda magtrabaho na lang kaysa patulan ang mga trolls.

Salamat po, VP Leni ha.

Lubos na Gumagalang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *