Open Letter to Vice Ganda

Dear Ate Vice Ganda,

Hello po. Fan niyo po ako at follower sa twitter. Nabasa ko po yung rant niyo about sa traffic nung nakaraang araw.

Naiintindihan ko po kayo. Ganun din po ang nararamdaman naming mga ordinaryong tao sa araw-araw. Yung pasok na 8AM, kailangan umalis ng bahay ng 5AM kasi pag natraffic baka malate bawas na naman sa sweldo namin.

Isa po ito sa mga campaign promises ni Pangulong Duterte, na he will solve daw the traffic problems sa NCR in 3 months, tapos naging 6 months, tapos ngayon malapit na na mag isang taon mas lalong lumala.

Vice Ganda Tweet | Pinoy Ako Blog

Tama po kayo na parang walang napuntahan ang tax na binabayad niyo sa problema sa traffic. Kaming mga ordinaryong tao, nararamdaman namin ang hirap, pag nasa palengke na, kasi po after almost a year na panunungkulan ni Duterte, lalo pong tumataas ang mga bilihin. Pilit naming pinagkakasya ang 500 pesos na budget para sa dalawang araw na pagkain. Ang presyo ng bigas lalong tumataas, sabi ni Tatay Digong, gagawin niyang P15 pesos ang kilo ng bigas, mukhang isang pangako na naman to na nasulat sa tubig.

Vice Ganda Tweet | Pinoy Ako BlogVice Ganda Tweet | Pinoy Ako Blog

Sana nga po mapunta sa tama ang tax na binayad ng bawat Pilipino. Pero nitong nakaraang araw ng malaman ko ang nagastos sa travel junket ng pangulo, parang gusto kong umiyak.

Presidential Foreign Trips Comparison | Pinoy Ako Blog

386 milyon! Hindi pa kasama ang last 4 travel. Masakit lang pong isipin na habang ang bawat Pilipino tinitiis ang traffic araw-araw para lang makabayad ng buwis, ang ibang tao sa administrasyon ni Duterte ay walang pakundangan gumastos ng pera.  Ang ibang Pilipino tinitiis  magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan mga anak nila, habang ang iba sa gobyerno makikita mo kung paano winawaldas ang pera ng bayan.

Alam niyo po Ate Vice,  pag naiipit po ako sa traffic, iniisip ko na lang mas malala ang sitwasyon sa Marawi. Kasi po doon kumakain na sila ng karton at dahon para maitawid lang ang gutom.

Marawi Residents | Pinoy Ako Blog

Sana nga po kung hindi man nila masolve ang traffic ng bansa, sana mapunta na lang yung tax natin sa kanila.

Hindi ko po alam kung si Duterte po ang binoto niyo, pero kung sya po, mas may right po kayong magdemand ng kanyang mga pinangakong pagbabago kung bakit hindi natupad.  Kasi di ba po sabi sa pelikula, “We accept the love we think we deserve “? Ganun din po dapat sa gobyerno. We should not settle less than we deserve. We deserve a good governance. Hindi ganitong, super traffic, patayan doon, patayan dito, mataas na presyo ng bilihin, pabagsak na value ng peso,  yung ekonomiya natin pabagsak na, kasi sa dami ng utang.

Haist. Pasensya na po  Ate Ganda ha, nag rant din ako. Basta po fan niyo po ako,  isa po ako sa nagpapasalamat na nandiyan kayo, pinapatawa niyo po kami. Kahit papano nakakalimutan namin ang kinakasadlakan ng bansa natin ngayon. Salamat po ha.

God bless you po!

Avid Fan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *