Open Letter to Umagang Kay Ganda

Dear UKG,

Mukhang kailangan niyong itrain ang isang host niyo about rape culture. Napanood ko ang isang video ng show niyo. Yung report about sa babaeng narape? Resibo.

Sa video nagdiscuss si Anthony Taberna, Amy Perez at Jeff Canoy kung ano ang nangyari. Una palang halata mo na na ang sinisisi ng host niyo na si Anthony Taberna ay ang biktima. Tama ang singit ni Amy Perez na dapat makinig sa mga magulang. At kahit nagbigay na ng tamang point si Jeff Canoy na dapat ang blame sa rapist or sa mga lalake na nagrape, humirit pa rin ang host niyo na si Taberna, na hindi daw, dapat daw sa biktima kasi mga lalake yan.

UKG, sana mabigyan niyo ng training si Taberna sa mga usaping ito. Please remind him na ang paglalasing ng babae ay hindi ibig sabihin pumapayag syang marape. Ang pakikipag eyeball ay hindi go signal para gahasain sya. Sana may gawin kayong aksyon sa puntong ito. Itatak niyo po ito sa utak niya.

And deserve po ni Amy Perez and Jeff Canoy ang bonus or increase for having the right heart and values sa program niyo. Yun ang mga dapat niyong bigyan ng recognition.

Kailangan ng bayan ang tulong niyo to stop the victim blaming culture sa mga rape cases. Kasi walang taong gustong marape.

Sana gawin niyo kung ano ang nararapat, kung gusto niyo na patuloy kayong paniwalaan at tangkilikin ng viewers.

Yamot sa Arogante

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *