Open Letter to UP President Danilo Concepcion

Dear UP President Danilo L. Concepcion,

Nabigla yung UP community kasi talagang ang venue ng Kabataang Barangay ay sa UP Diliman pa talaga.

 

Sa tingin mo ilang aktibista from UP kaya ang namatay noong panahon ng Martial Law? Ilan kaya ang mga nawala at hindi na nakita ng mga mahal nila sa buhay?

Tapos syempre nandoon din si Imee Marcos nagsasayaw habang ang ilang biktima noong Martial Law ay hindi pa din nabibigyan ng katarungan.

Oo alam ko na isa ka sa mga “mapalad” kasi nga kasama ka din sa byahe ni Imee Marcos noon. Junket junket lang habang ang iba na kasing edad mo ay tinurture at pinatay na.

Alam mo ba same year ng China junket na yan, ay same year din na pinatay si Trajano?

Sana man lang binigyan mo ng kahihiyan ang UP community na pinagsisilbihan mo.

Eto ang statement mo.

“Tao lang” excuse na naman? Hindi ko mabasa ng sensiridad sa statement na to. So lame.

Eto po may nagcomment na si Sir Danilo Arao from UP sa lame statement niyo.

 

Oo nga naman, hindi lang yun appearance, nag speech ka pa at may 2 finger sign. The very sign noong Martial law kung saan marami ang pinatay.

Tinanong mo ba si Imee kung nabayaran niya na si Trajano?

Sana yung desire mo na makasama ang mga kasama mo dati ay sinamahan mo ng discernment din at sa outside UP na lang kayo nagsayaw ng “rock baby rock”.

Sabi nga sa nabasa ko.

“Tao lang po” will never be a good excuse when you make a mistake.

“Tanga lang po” will do if the error was committed due to incompetence.

“Gago lang po” is applicable if the act was deliberate and then you later on realize that what you did was wrong.

So huwag niyo pong gaguhin ang taong bayan kasi hanggang ngayon naghahanap pa din sila ng katarungan! Ang ninakaw ng mga Marcos ay binabayaran pa din natin hanggang ngayon, kaya huwag kang ano!

Yamot sa mgaTaong Pilit Pinapabango ang Pangalan ng mga Marcos,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *