Open Letter to Tulfo Siblings

Dear Tulfo Siblings,

Kumusta po ang 60 million natin? Kaya pala lakas niyong makabatikos sa mga pumupuna sa kakulangan ng gobyernong ito no?

BEN TULFO

Huy mahiya ka naman para sabihin na sinisiraan ang kapatid mo.

Yung report galing sa COA. Kung hindi totoo ang contract, bakit kayo binayaran ng PTV4 ng P60,000,000.00 aber? Susko, wala namang masyadong nanonood ng show mo, luging lugi kung sino man ang magpa advertise sa yo no? In short lugi ang taong bayan.

Kung kani-kanino ka nambibitang eh COA na nga ang nag audit. Nililihis niyo ang issue eh.

ERWIN TULFO

Naalala mo ba kung paano mo murahin si VP Leni Robredo at si Senator Risa Hontiveros? At yung latest kay CJ Sereno?

Nagtataka ako kung saan nanggagaling ang hatred, ngayon alam na namin.

Oo nga pala, tinawag mo din akong frustrated prostitute. Ngayon, after this, sino sa atin ang bayaran, aber? Sino ang nakikinabang sa pera ng bayan? Lakas mong bumatikos sa iba ha, pero sarili mong baho, hindi mo maamoy? Yuck, ipokrito.

WANDA TEO

May sagot ka na sa mga allegations. Pero palpak pa din. Eto sabi mo.

Sabi mo ang kontrata ay sa pagitan ng DOT at PTV4. Sino ba ang head ng DOT? Sino ang pumipirma ng cheke bago marelease, aber?

At saka di ba block timer ang Bitag na show ng kapatid mo? Gaya siya ng Eat Bulaga. Blocktimer generally have their own set of marketing people separate from the network. Kung ang Eat Bulaga may Tape Incorporated. Ang show ng kapatid mo naman ay under Bitag Multimedia Network.

In other words parang malabo yang sinasabi mo na its between PTV4 and DOT. Mas tamang sabihin na its between DOT and Bitag Media Network.

Lulusot ka na naman eh. At saka, did the deal undergo public bidding, as Bitag Multimedia Network  can be considered as a supplier to a government group, selling airtime cost.

Eh sabi ng COA wala daw kayong supporting documents eh.

At saka ayan po klaro PTV4 nagbayad sa Bitag Media Unlimited. Hindi naman bumalik sa gobyerno ang pera. Nasa bulsa ng company ng mga Tulfo napunta ang P60,000,000.00.

May kasabihan po tayong “conflict of interest”. Pera ng bayan yan, head kayo ng DOT tapos iaaward niyo ang kontrata sa company ng kapatid niyo?

Luh, grabe sya. Department of Family Incorporated na ang peg. Konting nipis naman po.

Yamot sa mga Corrupt,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *