Open Letter to Senator Loren Legarda

Dear Senator Loren Legarda,

Matagal ko na po sanang gusto ko kayong sulatan. Kasi po nagpaalaman ko kay Senator JV na kayo po pala ang Chairman ng Foreign Relations Committee.

Nagtataka lang po ako na wala po kayong initiative to conduct a Senate Inquiry sa Kuwait Fiasco na muntik na magpahamak sa ilan nating OFW. Di ba po dapat may senate inquiry para makagawa kayo ng batas na hindi na maulit itong ganito? Pero tahimik kayo. Then today, I read this.

Nagtaka ako bigla at eto ang naging stand niyo po. Ma walang galang na po Ma’am, baka naman po nakalimutan niyo nanalo tayo sa Hague laban sa China. Ginawa po ng administrasyong Aquino kung ano ang tama. Tapos po ang ginawa ng kaalyado mo ngayon na si Duterte ay pinabayaan at hindi man lang pumalag. Nagtataka lang po ako bakit ganyan ang stand niyo eh alam niyo na naman ang pananakop ng China sa teritoryo natin. Then someone sent me these.

Akalain mo yun, pinaghost ka pala ng Ambassador ng China ng dinner. So pag may dinner kakalimutan na lang natin ang teritoryo natin at aayun na lang tayo sa stand ng administration, na wala ngang magagawa?

Hindi dapat ganito ang stand ng Chairman ng Foreign Relations Committee. Well ipaalala ko lang po, Madame, Pilipino ka po at hindi Intsik, dapat sana pag isipan niyo kung paano niyo kung paano niyo ipagtatanggol ang teritoryo natin.

Yamot sa Traydor,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *