Open Letter to Secretary Lorenzana

Dear Secretary Lorenzana,

Ang tagal ko na pong hindi sumusulat sa inyo. Alam ko po you are still doing your best sa trabaho niyo po. May tiwala po ako na hindi niyo po susundin ang order na to ni Duterte.

Alam ko po na ang loyalty niyo po ay sa taong-bayan at sa Saligang Batas. Pero may mga bagay lang po akong gustong isangguni po sana.

WEST PHILIPPINES SEA

Halos po sinakop na sya ng China. Tapos wala pa rin pong ginagawa ang executive para tutulan ito. Ni isang 1/4 na diplomatic protest wala pong ginagawa ang DFA. Kayo na lang po ang inaasahan namin para ipaglaban ang ating teritoryo. Sana po magsalita po kayo ng pagtutol.

ZAMBOANGA SIEGE

Nabasa ko po sa news na pinalaya po pala ang mga nakapatay sa mga sundalo noong Zamboanga siege. Nakikiramay po ako. Alam ko po mali po ito. Ang dami sa mga sundalo ang nasawi po.

Naalala ko po si Rama, 30, led his platoon from the 1st Light Reaction Company (LRC) of the Special Operations Command (SOCOM) in the assault of enemy positions. They had already killed several MNLF men at the time he was felled by enemy fire. May asawa po sya at isang anak. Namatay po syang lumalaban sa mga terroristang sumasakop sa Zamboanga.

Yung pangalawang picture po, sya po si Florencio Mikael Meneses. Tinamaan po siya ng isang sniper habang nagsasagawa ng clearing operation sa Brgy. Sta. Catalina. He was rushed to the Ciudad Zamboanga Hospital, where he was treated before he succumbed to his injuries at around 4:40 a.m. on Sept. 23. Namatay po syang tumutulong iligtas ang mga apektado ng kaguluhan na dinulot ng grupo ni Nur Misuari.

A native of Barangay Tibag, Pulilan, Bulacan, the snappy member of PMA “Laon Alab” Class of 2011 died a hero. Namatay po siya sa kaarawan mismo ng kasintahan niya. Ang painful noon sa girlfriend niya.

The third picture po is a PMA grad that the AFP lost in the Zamboanga siege was 1Lt. Francis Damian, 28 years old, of PMA “Maragtas” Class of 2007. He was wounded in a close-quarter battle in Barangay Sta. Barbara at 4:45 p.m. of Sept. 23 when he and his men fought a big contingent of MNLF men.

Kahit sugatan na sya, pinilit niya pa ding lumaban para sa bayan. Damian still managed to smile and encourage his troops, his men recalled, kahit umaagos ang dugo hindi niya inalintana kasi ang importante sa kaniya mailigtas ang nakakaraming kapatid sa Zamboanga na sinakop ng grupo ni Misuari.

Ang pang apat po na picture siya po Ian Pequot, 21 years old, Medal of Valor (posthumous awardee) . Intentionally put himself sa gitna ng barilan, para po iligtas ang team niya at ang bayan ng Zamboanga. Namatay syang bayani at nakikipaglaban para sa Filipino.

Sana po masabihan si President Duterte na sana hindi masayang ang kabayanihan nila.

Hindi ko po alam kung papano niyo po kinakaya ang mga nangyayari sa bansa ngayon, pero gusto din po namin marinig ang boses niyo.

Pagpalain sana po kayo ng Diyos.

Patuloy na Magtitiwala,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *