Open Letter to Secretary Lorenzana

Dear Sir Lorenzana,

Nang pinili po kayo ni Duterte as Secretary of Department of National Defense, part of me natuwa. Alam ko po kasi na you are a principled man. Alam ko na your loyalty ay nasa bayan at sa Constitution.

Ngayon, isa sa inyong dating kasamahan ay nanganganib na makulong nang dahil sa pagiging vindictive ng administrasyong Duterte. Si Senator Trillanes ang target ni Duterte.

Sa iyo na mismo nanggaling na tinawagan ka ni Calida about sa mga documents sa amnesty ni Trillanes.

Alam mo kung nasaan ang mga papeles. Under your watch nawalan kayo ng napakaimportanteng papel. And for this reason hindi lang iisang tao ang makukulong.

Ito po ba ang legacy na gusto niyong iiwan?

Sir, speak up! Alam ko sa puso niyo nandoon pa din ang prinsipyo na mahal niyo ang bayan at ang loyalty niyo sa constitution.

Huwag po kayong magpagamit, Sir. Naniniwala ako na ang tamang prinsipyo niyo ang mananaig.

Speak up, Sir. Speak up for the people, for the constitution, for our country. Please po.

Lubos na Gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *