Open Letter to SAP Bong Go

Dear SAP Bong Go,

Balita ko may meet and greet daw kayo sa South Korea. Kasama niyo daw si Robin Padilla at Philip Salvador, sana po hindi ang taong bayan ang nagpamasahe sa kanila. Oo nga pala yung drama mo na ganito, hindi na yan effective.

Kumita na po ito sa kay Duterte na kunwari nagpapapilit. Sa lagay na to hindi pa kayo tatakbo?

Halos nakabalandra na ang pagmumukha niyo mula Apari hanggang Jolo, mula sa pataho, palugaw hanggang pa ice cream pinatulan niyo na. Tapos hindi kayo tatakbo? Kwento niyo po yan sa pagong.

Sumabay kayo sa biyahe ng presidente para magkampanya sa OFW? Syempre pera ng bayan ang namasahe. Kapal na po ng mukha iyan.

Kunwari ayaw at nagpapapilit lang, yan ang script ni Duterte noon, tingnan mo kung ano ang kinakahinatnan ngayon ng bansa? Huwag niyo pong bilugin ang ulo ng taong bayan. At huwag niyong gamitin ang pera ng bayan sa pangangampanya niyo.

Tubuan po kayo ng konting kahihiyan.

Yamot sa Pabebeng Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *