Open Letter to PMAAAI

Dear Philippine Military Academy Alumni Association Incorporation,

Nakita ko ang ads sa dyaryo ng ilang kasamahan niyo sa organisasyon.

Ganito po ba ang process na pinag aralan niyo sa pagiging PMA? Yung ang mga akusasyon at problema niyo sa isang kasamahan ay kailangan ipost muna sa diyaryo bago ayusin sa loob?

Mataas ang tingin sa inyo ng taong bayan. Kasi nga sa PMA hinuhubog kayo bilang isang mabuting sundalo. Tinuturuan kayo maging loyal sa bayan at sa Saligang Batas.

Most of the signatories are Davao based chapter so it seem. Alam niyo po ang masama dito, you are supposed to be apolitical. Dapat ang loyalty niyo lang sa Saligang Batas.

So bakit kayo mag gagastos ng isang full pledge page sa diyaryo na puwede naman kayong mag usap?

Eto ang sagot ni Senator Trillanes.

Yung mga binintang niyong graft sa kanya, alam naman nating fake news di ba? Walang resibo. Aren’t you proud na ang kasamahan niyo nakikipaglaban sa diktaturyang Duterte? Nakikipaglaban sa kabastusan ni Duterte sa kababaihan? Nakikipaglaban para sa karapatang pantao? Nilalabanan ang corruption? Hindi ba ito ang isa sa mga tinuro sa inyo noong kayo ay nagtitraining sa PMA? Dapat kayo ang tunay na nagmamahal sa bayan eh. Dapat nga suportahan niyo si Senator Trillanes.

May amnesia na ba? Nalunod na ba sa fake news? Tama si Cong. Gary.

Hindi ba dapat ayaw niyo sa katiwalian? Bakit niyo nasisikmura ang pamamalakad ngayon?

Sana po, magbigay kayo ng statement, kung alin ba ang mas mahalaga ang bayan o ang presidenteng abusado sa kapangyarihan.

Man up, mga Sir! Man up!

Disappointed ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *