Open Letter to Philippine National Police

Dear PNP,

May itatanong lang po ako, balita ko tinanggalan niyo daw po ng security si Senator Trillanes, bakit po?

Sa daming pinapatay ngayon na mga pulitiko, hindi po ba kadudaduda ang ganitong desisyon? Ayon sa report, bago nabaril si Mayor Halili, tinanggalan din siya ng escort bago napatay. Huwag naman sanang mangyari to sa isang senator no? Dati nag offer kayo ng escort kay Peter Lim, so ibig sabihin baka naman may extra ng manpower sa inyo.

Kasi pag suspected drug lord, may offer na escort, pag senador tinanggalan ng escort?

Oo nga po pala, may pinapaabot sa inyo si Senator Trillanes.

Matagal po ba kayong magbasa ng sulat? Matagal na pala kayong sinulatan, ang tagal niyo namang aksyunan. Alam naman namin na hindi duwag si Senator Trillanes gaya ni “ahem”, pero pag mangyari sa kanya ang nangyari kay Mayor Halili, guess who kung sino ang sisihin ng taong-bayan? Get the picture?

Yamot sa May mga Maitim na Balak,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *