Open Letter To Nicko Falcis

Dear Nicko Falcis,

Even before 2019 naglabasan na ang mga screenshots ng mga usapan natin. Since hindi nanggaling sa akin, I assumed na galing sa yo. Bruce Rivera ang unang naglabas, then sumunod ang mga DDS bloggers. Hindi ko alam kung ano ang purpose mo by doing it, pero sana binuo mo ang kwento.

Last January 2018, you approached me nagpakilala ka. Sabi mo you want to boost several of my blogs. You asked me to put you as an advertiser in my blog.

Tinanggap ko ang offer mo kasi hindi ko naman afford magboost. At saka bakit hindi, eh kapatid ka ng isa sa mga tumutuligsa sa mga ginagawang kapalpakan ng admin na to.

 

 

And besides wala namang masama sa pagboost kasi ang purpose noon is to reach wider audience. DDS camp is doing it. Kasi may pondo sila.

 

 

Akala ko naman you mean well sa pagtulong sa akin. Akala ko naman naaawa ka sa akin kasi yung followers ko noon would pang 100k at gusto mong maraming makabasa sa blogs ko, kaya tinulungan mo akong magboost.

I put you as an advertiser sa page because I trust you. Hindi ko alam na magagamit mo ang tulong mo sa ATTEMPT  na pagsira sa akin. Minsan nga you are asking me pa to upload a video.

 

 

I appreciate the fact na tumutulong ka sa pagpalaganap ng mga blogs ko. Kasi nga naman, ano ba naman ang laban ko sa 5 million followers ni Mocha,  tapos nagboboost pa?

 

 

Eto ang dahilan kaya namayani and fake news noong nakaraang election kasi walang support ang boosting. Hindi na-mplify ang tamang mensahe.

Pero sa mga screenshots mong pinalabas ibang narrative ang gusto mong palabasin.

Example:

 

 

I asked a new card from you? When the screenshot reveals na nagkwento lang ako na hindi tinanggap ang card ko sa boosting hence I need a new one? Saang part diyan na humingi ako ng card sa yo?

 

 

May resibo ka na binigyan mo ako ng credit card? Ilabas mo.

Hindi naman lahat ng blogs ko ikaw ang nagboost, yung iba  I do it with my own money.

Ikaw at ang mga DDS bloggers ay mga sinungaling. Nakipagsabwatan ka sa kanila to destroy me? How can this help your case, aver?

We both know that Kris has nothing to do with the boosts. It was your choice because you don’t want Duterte, Mocha, and Sass. Sabi mo pa nga #WeDontloveyouhater.

 

 

You used to hate Mocha, TP and Alan Peter Cayetano. Tapos ngayon you are using them para sirain si PAB?

Wrong move. Gusto mo akong palabasin na destabilizer when you were the one who helped me sa pag amplify ng message ko.

Just to be clear ang perang binoboost ay napupunta sa Facebook and you are doing it directly.

Huwag mo akong idamay sa gulo ng buhay mo. Umuwi ka dito at harapin mo ang kaso mo. Just the mere fact nakipagsabwatan ka na sa mga bloggers na you used to hate, ano na ang tingin ng tao sa iyo ngayon?

 

Yamot Sa Sinungaling,

PAB

 

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *