Open Letter to Nagaueños

Dear Nagaueños,

Alam ko na nasa gitna kayo ngayon ng kontrobersiya. Pilit kayong sinisiraan ng isang pangulo na puno ng insecurity sa katawan.

Ganito po ang nangyaring paninira.

Etong PNP, pinasinungalingan ang  sinabi ng Presidente. Kasi nga hindi naman supported ng data.

 

Baka may napagalitan, kaya nagbago ng isip nagbigay ng data. Pero mali naman. Kaya nag apologize ang PNP.

Gamitin niyo ang mga resibong eto na magpapatunay na puro lang paninira sa Naga City ang pinagsasabi ng mga minions ni Duterte.

Gaya ng Iloilo kayo naman ang tinatarget ng Presidenteng praning. Ginagamit ang ahensya ng gobyerno, ang Office of the President at ang Presidential Anti-Corruption Commission, nagbaba ng utos ang Presidential Assitant for Bicol Affairs ng imbitasyon para sa isang dayologo ukol sa diumano’y isyu ng korapsyon sa Bicol.

Ang PACC ay pinamumunuan ni Dante Jimenez na pinuno ng Violence Against Crime and Corruption, ang grupong nagsampa ng mga walang basehang drug case kay Sen. Leila de Lima, impeachment complaint kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at kaso laban kay Deputy Ombudsman Arthur Carandang.

Nililihis ni Duterte ang issue  ng 6.8 bilyon na shabu at kayo ang ginagamit.

Nagaueño huwag kayong matakot kasi ang paninira ni Duterte ay hindi matatakpan ang kaunlaran na meron kayo. Alam niyo at alam ng Diyos na hindi totoo ang pinagsasabi ng presidente. Gaya nang sinabi ni Secretary Jesse, sa huli ang katotohanan pa rin ang mananaig.

Laban lang.

I Stand With Naga City,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *