Open Letter to Multi-Millionaire Secretary Dominguez

Dear Secretary Dominguez,

Seryoso, hindi niyo man lang pinag-aralan ang indirect effect ng inflation?

Sa taas ng presyo ng mga bilihin, hindi niyo man lang inisip ang mga kababayan nating mahihirap?

Sabagay hindi mo naman mararamdaman ang taas ng bilihin kasi mayaman ka.

Yung 2017 SALN mo isa ka sa pinakamayaman oh. Pero sana bago mo sinalaksak sa taong bayan yang TRAIN na yan, sana man lang naisip mo ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Yung mga taga Mindanao hirap na sa taas ng bilihin. Yung bigas, nila umaabot na ng P70.

Tama si Senator Bam, dapat pinag aralan niyo muna.

Tapos meron na namang TRAIN 2?

TRAIN 2 na maaaring magresulta sa pagtaas ng kuryente. Kasi bubuwisan niyo na naman ang renewable energy. Syempre sa consumer na naman yan ipapasa.

Papatayin niyo ba ang taong bayan? Para saan? Para sa BUILD, BUILD, BUILD niyo? Tapos mapupunta lang ang pera sa corruption?

Maaring hindi mo nararamdaman ang hirap ng taong bayan, pero sana man lang pinag-aralan mo muna. Best and the brightest ka di ba?

Yamot sa Incompetent,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *