Open Letter to Mayor Erap Estrada

Dear Mayor Erap,

May poreber po ba sa rally permit sa Manila? Di ba po pag side walk, dapat nagagamit siya para malakaran ng tao, para iwas sagasa? So bakit niyo po pinapayagan itong mga loyalista ni BBM na ginawang boarding house nila ang sidewalk ng Padre Faura?

FYI po ilang buwan na sila diyan? Kung nakikita niyo yung mga naglalakad ay sa gitna na lang ng kalsada kasi barado na ang sidewalk nila.

Ayan po oh. May altar na, may kusina pa. Namigay po ba kayo ng titulo sa Padre Faura? Or forever ang binigay niyong permit sa mga Marcos loyalists?

Araw-araw ang rally nila? Araw – araw silang nakakaabala sa mga tao, pero bakit po hindi sila nasasaway? Unlimited permit po ba binigay niyo sa kanila? Meron ba nun?

Mayor Erap, baka gusto niyo silang sawayin di ba? Nakakahiya naman kung papabayaan niyo lang dahil mga Marcos supporters sila.

Eh kung may masagasaan dahil okupado nila side walk? Sino sisihin? Syempre yung nagbigay ng permit na gumawa ng boarding house diyan sa sidewalk sa Padre Faura. Ikaw yun.

Huwag po kayong ano. Ilang buwan na sila diyang nakatira at nagrarally. Ano permit nyo forever? Gawin niyo ang tama.

Inis ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *