Open Letter to Judge Amelia Fabros-Corpuz

Dear Judge Amelia Fabros-Corpuz,

Nabasa ko po kung paano niyo po pinagkaitan ang isang ina na masilayan ang pagtatapos ng kanyang  anak. Ang tinutukoy ko po si Senator Delima.

Bilang isang ina, sa tingin mo ba tamang sabihin na indespinsable ka sa mahalagang okasyon sa anak mo? Paano magiging disruptive, eh isang ina lang naman siya na nagnanais masilayan ang pagtatapos ng anak niya? Paano maging flight risk ang isang taong kusang sumuko at harapin ang mga kasong pinaparatang sa kanya?

Si Jinggoy napagbigyan nga ng Sandiganbayan noong birthday ni Erap, eto pa kaya na mas mahalagang okasyon para sa isang ina hindi mo man lang mapagbigyan?

Sana po mabago ang desisyon niyo.

Pilit mong dinudurog ang puso ng isang ina. Sana mahanap mo sa puso mo ang pagmamahal sa kapwa mo para marealize mo kung gaano kaunfair ang desisyon mo.

Please do the right thing Judge. Hindi pa huli ang lahat.

Umaasang Haplusin ang Puso mo ni Kristo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *