Open Letter to Inquirer

Dear Inquirer,

Naalala niyo po ba noong nabigyan niyo po ako ng award last year as Filipino of the Year of 2017?

Ang reason po kaya niyo po ako binoto kasi po sabi niyo “ I hold public officials for account for their statement. I proved that the democratic ideal of governance is not a mere consent of the governed but informed consent, I insist on the facts that cast light on the truth.”

Super proud ako sa award na yan kasi alam ko galing siya sa isang diyaryo na walang kinikilingan at kinakatakutan. Kahapon nabalitaan ko na you caved in sa demand ni Senator Sotto na tanggalin ang mga article about kay Pepsi Paloma. Bigla akong nalungkot.

Ilang dekada nang nakalipas, wala pa ding katarungan ang panggagahasa kay Pepsi Paloma. She was 14 years old then. Ilang dekada na rin nakasulat sa print and news website niyo ang mga artikulo tungkol sa panggagahasa sa kanya. Hindi po ba kayo nagtataka kung bakit hinintay pa ni Senator Tito Sotto na maging Senate President siya bago niya hiniling na tanggalin niyo ang article about Pepsi Paloma?

Ilang Presidente na ba ang pinag-daanan ng Inquirer. Sama-sama kayong nagreport ng katotohanan about pang-aabuso at corruption.

Natatandaan niyo po ba noong panahon ni Erap na ginigipit din nila kayo?

Hindi kayo bumigay, you held the line then. Fearless news reporting, yun po kayo eh. Yan po ang Inquirer na alam ng bawat Pilipino.

Hindi ko po alam kung sino na po ang mga tao who call the shots now, pero sana po, wag po kayong magpapadala sa pera at pananakot. Sa panahon ng kadiliman sa ating bansa, ang pagrereport niyo ng katotohanan ang magsisilbing tanglaw ng bayang ito.

Ang takot nandiyan lang yan, pero kahit takot dapat lumaban pa din sa pang-aabuso.  Sa Ilang taon niyo sa media, you did not only survive but you also thrive. Ngayon pa ba niyo babaguhin ang prinsipyong bumuo sa pahayagan?

Ipagdadasal ko po na sana po ang boses niyo ay hindi makain ng takot at pera.

Hindi Mawawalan ng Pag-asa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *