Open Letter to Commissioner Lapeña of BOC

Dear Commissioner Lapeña,

Balita ko kaliwa’t kanan ang kaso niyo ngayon sa mga smuggler. Pero nagtataka lang po ako, bakit po yung sa cylinder ng shabu ay pareho kayo ni Duterte na dinideny ang kanyang existence? Parang mas matalino pa kayo sa drug sniffing dog ha.

 

So many possibilities? Luh, naamoy na nga ng aso eh. May statement na nga ang PDEA.

Oo nga po pala, may nagpadala sa akin ng documents.

Brief summary daw ito ng illegal withdrawal ng 105 containers.  According to this documents, revoked na daw ang accreditation ng importer na to. “Sino si Kimberly?” Bakit ang lakas po sa inyo?

 

May footnote pa oh, na ito daw si “Kimberly” ay may history daw of drug importation.

Pero may document na binigyan mo daw sya ng temporary reactivation ang importer? Anong meron?

Di ba bawal yun? Kasi kung narevoke ang accreditation nito, for sure may dahilan yun. So bakit kailangan may temporary reactivation?

May katotohanan ba ang mga documents na to? Pakipaliwanag please sa taong bayan.

Karapatan namin malaman ang totoo.

Maghihintay sa Paliwanag,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *