Open Letter to Cesar Montano

Dear Cesar Montano,

Kumusta po ang buhay natin sa gobyerno? Mukhang masaya no? May mga issue lang po ako na gustong linawin ha.

Bakit naman po wala kayong habas gumastos sa pera ng bayan? 80 million for ads? Tapos hindi pa tapos ang “carenderia” project mo bayad na? Bakit nagmamadali? Ano po meron?

Tapos pumunta ka ng ibang bansa para sana magsalita, 2 minutes mong ginawa kasi manonood ka ng Hamilton play?

Pina explain sa yo ang report, ginawa mong 2 minutes explanation, kasi manonood ka ng show, ok lang sana kung ang pera mo ang pinampamasahe mo di ba? Pera ng bayan yan, huy.

At saka nabasako ang 120 pages accomplishment report mo.

https://t.co/OokpPJdHav?amp=1

Hindi ko alam na ang pagpost pala sa IG, Twitter at FB ay accomplishment na pala. At saka pumunta pala kayo ng Jerusalem.

Pumunta kayo doon para magdistribute ng flyers at mamigay ng dried mango? Yung network sa mga bloggers puwede naman gawin yang online eh.

Yung mga accomplishment niyo walang objective hindi tuloy malaman kung sulit ba ang pera ng bayan na ginastos dito.

P80,000,000.00, ang dami ng bata ang mapapakain niyan.

Hay naku, huwag naman garapal sa pag gastos, kuba na si Juan sa pagbabayad ng buwis no!

Yamot sa Waldas,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *