Open Letter to Bishop Antonio Tagle

Dear Cardinal Tagle,

Hindi niyo po ako kilala personally, naisipan ko lang po talagang sumulat. Kasi ang dami na pong mga paninira ni Duterte sa Simbahang Katoliko, pero hindi ko pa po naririnig ang boses niyo po. Minura at binabastos na po ang simbahan, bilang kayo po ang head ng Catholic Church sa bansa, bakit hindi po kayo nagsasalita para ipagtanggol po ito?

Kahit po ang Diyos hindi niya pinatawad. Mula sa simula binabalahura niya ang mga kaparian, pero hindi ko po kayo narinig magsalita na ipagtanggol man lang sila.

Ngayon, tatlong pari na ang pinapatay bukod pa ito sa 20,000+ na mga namatay sa kampanya nila laban sa droga. Tahimik pa din kayo. Kailan niyo po mahahanap ang boses niyo? Yung latest na paring pinatay.

Mismo sa loob ng simbahan binaril. Pangatlo na po ito. Nung December 2017 si Fr. Marcelito Paez,  April 2018  si Fr. Mark Ventura, June 3 si Fr. Rey Urmeneta, then si Fr. Richmond Nilo.

Kailangan na po ninyong magsalita against culture of death. Huwag sana kayong pigilan ng takot, nasa inyo po si God. Kailangan niyo pong pagsabihan ang presidente sa ginagawa niyang pambabalahura sa bansa, lalong lalo na sa mga kaparian. Sa mga ganitong panahon po kailangan nang magsalita ang lider ng simbahan. Ipapanalangin ko po na sana po mahanap niyo po ang boses niyo.

Umaasa at Nagdadasal,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *