Open Letter to Atty. Florin “Pilo” Hilbay

Dear Atty. Florin,

Alam ko nagtataka kung bakit sumulat pa ako eh halos weekly naman tayo nagkikita. Friend naman tayo sa FB tapos minsan  lumalabas din tayong nila, Agot, Bart, Vince at John.

Well, gusto kong dalhin sa PAB ang pangungulit ko sa yo sa twitter.

PLEASE, TUMAKBO KA NA FOR SENATOR SA 2019.

Kailangan ng bayan ang isang tulad mo. Mula ng tinulungan mo ako sa mga kaso ko without asking any payment, para akong nakahanap ng isang Kuya sa yo. Tenk u uli.

Nakita ko ang iba’t- ibang aspect ng isang Florin Hilbay.

BATANG TONDO

Lumaki ka sa Tondo, kasama ng mga ordinaryong tao. Pinalaki ng ordinaryong pamilya. I remember when you told me na ang nanay mo ay isang katulong at tatay mo ay high school graduate. Your Dad is a messenger sa RCPI. Sabi mo, sa kabila ng limitadong kita ng mga magulang mo, pinagsumikapan pa din nila na mapag-aral kayong magkakapatid. Nagtitinda ng ulam ang Mama mo, minsan nagtitinda din ng damit from Divisoria.

Natawa pa kami nang nagkwento ka na sumasali ka din sa liga ng mga barangay sa basketball. Unang reaction namin, “Weh?”. Then pinakita mo sa amin ang resibo.

Oo nga, kahit hindi ka masyadong matangkad, sinali ka nila sa liga. Sa tuwing nagkekwento ka sa buhay mo sa Tondo, doon ka napagtanto na kaya pala sobra ang compassion mo para sa mahihirap at ordinaryong tao, kasi nakasalamuha mo sila noong nasa Tondo ka pa.

BILANG ESTUDYANTE

Nag aral ka ng elementary sa Holy Child Catholic School. High school and college sa UST. I remember when you told me kung paano ka nagdecide mag Law school. Sabi mo sa panel interview mo, kaya gusto mo sa UP kasi maraming puno. Bes, naman kung puno lang pala gusto mo sa UPLB ka sana nag college para magsasawa ka sa puno. 😂

Pero nainspire ako lalong mag-aral sa law school, nang nagkwento ka kung paano ka nagsikap na maging working student at the same time bumabyahe ka araw-araw ng 4 rides papunta sa UP at pauwi kasi hindi mo kayang umupa ng dorm na malapit sa school. Naiimagine ko yung travel mo araw-araw, bitbit ang mabibigat na libro.

Pero hindi yan naging hadlang. Kasi kahit sobrang hirap kinaya mong makatapos na TOP 13 sa UP Law. Nakakuha ka pa ng award na Dean’s Medal for Academic Excellence.

Simbolo ka ng pagsisikap at determination para sa mga mag-aral na gusto ding matapos.

BAR TOPNOCHER

Yung pagiging topnocher mo, yun ang istorya ng pagsisikap at pag-asa talaga eh. Yung working ka pa habang nagrereview.  Tapos, habang ang mga kasabayan mo naka hotel, naka aircon ikaw nag rent ng maliit na apartment. Pero sa kabila ng lahat, you passed the Bar, TOPNOCHER pa! Narealize ko pag determinado talaga, lahat puwedeng mangyari.

Ang values na ito ang kailangan namin sa Senado. Yung taong May determination na gumawa ng batas para sa pag angat ng buhay ng bawat Pilipino. Yung kahit anong balakid ay susuungin para sa kabutihan ng nakakarami.

BILANG ABOGADO

Ikaw ang pinakabatang naging Solicitor General sa 1987 Constitution. Pinaglaban mo ang bansa sa International Court. Kasama ka sa mga magagaling na abogado na nagpanalo sa West Philippine Sea. Hindi ka pumayag sa joint exploration, pinaglaban mo talaga ang karapatan ng bansa.

Alam ko, na nasa tamang lugar ang puso mo. Alam ko na pag nasa Senado ka na, ang bansa ang magiging priority mo. Alam ko ang karapatan ng bawat Pilipino ang papahalagahan mo. Karapatan ng kabataan, manggagawa at lalo na ang mga kababaihan.

Nakita ko kung paano hanggang ngayon  hindi ka sumusuko sa laban niyo ni Senator Delima.

BILANG ISANG ANAK

Lingid sa karamihan dumaan sa pagsubok ang family niyo last December. Nang dumaan sa bypass operation ang Mama mo. Nakita namin na mga kaibigan mo kung paano ka naapektuhan. Yun pa ang kasagsagan na binabalahura ka ng mga DDS. You spent Christmas and New Year sa hospital, just to make it sure na ok siyang mailalabas.

Sabi nila makikita mo daw ang character ng isang tao kung paano niya tinatrato ang kanyang ina. Dito palang saludo na ako.

Kailangan ng Senado ang katulad mo na may pagpapahalaga sa pamilya, nasa tamang lugar ang puso, may prinsipyo na hindi nababayaran, ang loyalty ay sa bayan, hindi natitinag ang paninindigan at higit sa lahat, pinapahalagan ang karapatang pantao.

Lagi mong sinasagot pag sinasabi namin na tumakbo ka, “Hindi sapat ang pera PAB”. Kung ang bawat Pilipino magdonate ng limang piso sa kandidatura mo, baka makalikom naman siguro ng sapat na pondo para sa kampanya mo. After all we will be investing para sa kinabukasan ng bayan.

Please tumakbo kay for senator ngayong 2019. Kailangan ng bayan ang isang tulad mo.

Team Hilbay,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *