Open Letter to Associate Justice Martires

Dear Associate Justice Martires,

Balita ko nag aapply daw po kayo sa position ng Ombudsman. Alam niyo po nacurious po ako sa inyo, eversince nakita ko yung palitan niyo ng comment ni Father Aquino.

Bilang law student, natanong ko sa sarili ko, ganito ba dapat mag act ang isang Associate Justice?

Yung pag pumupuna ang ibang tao, tatawaging “busabos ang kaisipan” at “Tanga”?

Dapat po pala talaga nag inhibit po kayo nung Quo Warranto case ni CJ Sereno, kasi base palang sa comment niyo, biased po talaga.

So eto na nga po, nagresearch po ako, base po sa article ng Philippines Star,

Ikaw pala ang nag penned noong agreement kay Carlos Garcia. Yung dapat sana plunder, tapos naging graft na lang. Lugi gobyerno doon ah. Bakit kayo pumayag?

Anyway ito ang mga facts nagather ko about you.

1. First appointee of PRRD to the SC.

2. Taga Samar pala kayo.

3. San Beda din pala, Schoolmate ng Presidente.

4. Si GMA ang nag appoint sa inyo sa Sandigan.

5. In 2011, na dismissed niyo pala ang isang kaso case against Mayor Rodrigo Duterte. Yung demolition ng isang park installed by his political rival in 2008.

6. Yung interview niyo sa JBC noong tinanong kayo about sa SC case re Arroyo and plunder, ang sagot niyo said there is no proof that Arroyo amassed wealth? Luh grabe sya oh.

7. Sa Marcos burial naman, nung tinanong ka ng JBC sabi mo, you believed that Ferdinand Marcos was not dishonorably discharged. You  believed that Marcos was not actually ousted but he opted to leave Malacanang and go to Hawaii. Ano namang kababalaghan yan? Luh, umalis si Marcos noon kasi galit na ang taong bayan.

8. Apat na administrative complaints ang nafile po pala sa inyo,  3 were dismissed. Gross ignorance of the law, Incompetence, abuse of authority and dereliction of duty against two respondents. Pinagsabihan pa pala kayo dati by SC to be “more circumspect and prudent in observing the proper rules and procedures for the execution of judgments of conviction”.

Pro Marcos, Pro GMA, Appointed by Duterte. Ano kaya ang mangyayari sa Ombudsman, pag ikaw ang napili?

Good luck, Pilipinas!

Nangangamba sa Inang Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *