Open Letter To Aga Muhlach

Dear Mr. Muhlach,

Napanood ko po ang guesting niyo sa GGV, kung saan tinanong kayo ni Vice Ganda about Senator Trillanes. Eto po ang sinabi niyo.

“Tama na, hindi ka ba napapagod? Dapat sumuporta ka na lang kay Pangulong Duterte dahil ginagawa niya naman ang lahat?”

Sabagay, hindi ka naman apektado sa extrajudicial killings kasi ang bahay ay marahil nasa gated community. Ano nga ba naman ang pakialam mo sa mga inosenteng batang ito?

 

 

Si Senator Trillanes mula sa simula kaya siya nagsasalita para mabigyan ng katarungan ang mga batang yan at iba pang biktima.

 

Kasi kung talagang nagmamahal ka sa bayan, hindi mo hayaang katayin ang mga kababayan mo. Magsasalita ka, kasi alam mong mali ang ginagawa.

Sure kang ginagawa niya ang lahat? Lahat ng ano? Lahat ng paghirap? Sabagay, hindi mo naman ramdam ang TRAIN kasi mayaman ka.  Pero hirap na ang taong bayan sana maisip mo yun.

 

 

Si Senator Trillanes nagsasalita tungkol sa TRAIN kasi gusto niyong ipaglaban ang magandang buhay sa bawat Pilipino.

 

 

Kung tahimik ka sa alleged corruption nila Tulfo, Calida at marami pang iba, ibahin mo si Senator Trillanes. Kasi pera ng bayan ang tinitingnan niya dito. Oo, kasama ka dun kasi nagbabayad ka din ng tax.

Kung kaya mong sikmurain ang patayan, corruption at patuloy na pagpapahirap sa kababayan natin, I guess mali ang paghanga na binigay sa yo.

Just so you know, ang pagmamahal sa bayan hindi sinusukuan. Isipin mo na lang kung ang lahat ng tao ay gaya mo na tumatahimik lang sa lahat ng pagkakamali ng administrasyon na to, paano na ang mahihirap na walang boses na magsalita kahit pinapatay na ang mga mahal nila sa buhay?

You need to get off from your high horse, Sir. You are an influencer because you are a star, gamitin mo sana ang boses mo sa tama.

“Those who are silent, when others are oppressed are guilty of oppression themselves.” 😡😡😡

Yamot sa Kunsintidor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *