An Open Letter to Senator Ping Lacson

Dear Senator Ping Lacson,

Isa po ako sa mga bumoto sa inyo. Naniwala po kasi ako na meron kayong paninindigan.

Kahapon po nabasa ko po na napamura kayo ng malaman niyo na nareinstate si Superintendent Marcos.

Ang tanong ko po hanggang mura na lang po ba kayo?  Kung tutuusin po, isa din po kayo sa mga dahilan kung bakit ganito ka brazen si Duterte eh.

Nung nireduce ang kaso from murder to homicide, dapat dun palang nag mura na kayo eh. Sabagay nung committee hearing pala which you led sinabi mo na walang kinalaman si Duterte.

Ngayon ano na?  Wala pa rin ba syang kinalaman? Alam niyo po, dati ang tapang tapang niyo bumatikos at mag call out ng mali. Pero pagdating kay Duterte naging fence sitter kayo. Nung nagpalitan ng Chairmanship sa senado wala kayong ginawa. Pinabayaan mong mangyari lahat kahit alam mong unfair.  Nung committee hearing ni Lascañas at Matobato, halata kayo masyado po kung saan pumapanig. Kaya kung may 12000 EJK man tayo ngayon, palagay ko puwede mong sisihin ang sarili mo, kasi sa simula palang hindi na po kayo umimik. Pinili niyong maging bulag, pipi at bingi sa araw-araw na patayan.

Ngayon kahit mag mura man kayo ng isang milyong beses, balewala na po yun. Kasi you chose to be silent sa mga oras na kailangan mong magsalita para sa kanila.

Play safe lang kayo habang araw-araw dumadanak ng dugo. Wala na po ang dating matapang na Ping Lacson. Mukhang nakain na ng sistema.

Nagsisi sa Pagboto sa yo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *