Open Letter to Senator Leila Delima

Dear Senator Leila,

Bukas po one year na po kayong nakakulong dahil sa FAKE NEWS.

Alam ng taong bayan na ang nangyari sa inyo ay bunga ng paghihiganti ni President Duterte.

Ang pinalabas nila na kayo daw ang dahilan kaya may shabu sa Bilibid. One year na po kayong nakakulong, 2 years na pong presidente si Duterte, pero hanggang ngayon patuloy pa din ang droga sa Bilibid.

Ito ang magpapatunay na lahat ng binintang niya po sa inyo ay fake news.

Kumuha sila ng mga testigo, pero puro kriminal naman. Kapalit ang mga perks sa loob ng kulungan.

Binastos ka nila sa pekeng sex video to embarrass you. Mula sa mga galamay hanggang sa presidente.

Pinakulong ka nila sa imbentong kaso. Fake case!

Kahit ang mga DDS nakisabay sa kabastusan ng poon nila.

Pero sa lahat ng paghihirap na ginawa nila sa yo, nakita ko kung paano ka nagtrabaho pa rin kahit nakakulong ko.

Hindi naging hadlang ang rehas sa paggawa mo ng responsibilidad mo bilang senador.

Nakakahanga po ang inyong katapangan. Hinarap niyo ang laban, na hindi kailangan magpahospital para makaligtas sa kulungan.

Hinangaang kayo ng mga human rights organization sa inyong tapang sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao.

Kung may #Lodi at #Petmalu pong matatawag kayo po yun.

One year na kayo bukas, asahan niyo po na patuloy kaming makikipaglaban para po sa inyo hanggang makalaya po kayo.

Naniniwala po ako na gagawa ng paraan ang Diyos para po kayo ay makalabas. Laban lang po, Senator Leila, marami po kaming nagdadasal para sa inyo.

Lubos na Humahanga,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *