Open Letter to Senator Koko Pimentel

Dear Senator Koko Pimentel,

Hello po. Alam niyo po, idol ko kayo dati. Nung nagtop kayo sa bar at nakita ko po kayo sa TV,  sabi ko sa sarili ko magiging tulad niyo din ako, paglaki ko.  Gwapo, matalino at mukhang mabuting tao.

Nung natalo po kayo as Senator isa po ako sa mga nalungkot, isa dun po ako sa mga sumaya nung nag resign si Migz Zubiri. Alam ko kasi na magiging huwaran kayong Senador.

Pero nagbago ang lahat nang maging Senate President ka sa administration ni Duterte. Nawala na po yung may prinsipyong tao na nakilala ko. Naging kasapakat po kayo sa pagbalahura ng constitution. Pilit niyong pinagtanggol ang operation tokhang na alam niyo naman po na labag sya sa karapatang pantao. Topnocher po kayo alam ko po na memorize niyo ang batas by heart pero bakit po parang nalimot niyo na dahil sa affiliation niyo kay Duterte?

Isa pa pong nakakapanlumong ginawa niyo?  Ay yung tinanggalan niyo ng mga chairmanship ang mga kapwa niyo Senator just because pumunta sila sa celebration ng EDSA.  Kinunsinti niyo ang kabastusan. Nasan na po yung idol ko na may prinsipyo at mabuting tao? Mukhang nalamon na sya ng sistema. Sir, di ba po sabi ni Manuel L. Quezon, “my loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins.” 

Dapat po loyal kayo sa constitution at hindi sa presidente. Dapat po loyal kayo sa taong bayan hindi sa partido.

Lalo kong nakita ang pagiging trapo niyo nung nagdeclare ng Martial Law si Duterte alam kong alam niyo po na may responsibilidad kayong mag joint session para madiscuss kung may sapat na basis ang declaration pero hindi nyo ginawa. Muli ang batas na pinag aralan mo sa apat na taon sa law school ay binalahura mo.

Tapos kahapon nabasa ko ang interview mo na sinabi mo na naaalarma ka sa increase of numbers ng mga violent crimes.

Gustong maiyak at the same time tumawa. After 12000 deaths,  ngayon niyo lang po narealize yan?

Nung namatay ang mga batang to, bakit hindi kayo nagsalita?

Nung halos di na magkasya sa puneraria ang mga pinapatay dahil sa tokhang, bakit hindi kayo nagsalita.

Kaya hindi maiiwasan magduda tuloy ako, sa sudden change of tune mo. Hindi kaya naaamoy mo na malapit na ang katapusan?  Kaya medyo unti unti ka nang kumakabig? Hindi kaya may iba kang agenda in case may biglang mabago sa political structure ng bansa?

Anuman ang agenda mo, hindi magbabago ang katotohanan na minsan sa buhay mo ay binalahura mo ang batas na pinag aralan mo.  I’m not sure if history will be kind to you…

Tuluyang na turn-off,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *