Open Letter to Senator Koko Pimentel

Dear Senator Koko Pimentel,

Nakikilala niyo pa po ba ang sarili niyo? Nasaan na po yung taong nag Top 1 sa bar na inaakala ng nakakarami na magiging kakampi ng mamamayan?

Nakita ko po kung paano na kayo naging alipin ng inyong posisyon at ng administrasyon ni Duterte. Nakikita mo ba ang pagkakaiba ng statement niyo ni Senator JV Ejercito?

Ikaw abogado ka, mas higit ang iyong kaalaman sana sa Saligang Batas, pero bakit pinipili mong maging bulag bulagan?

Yung Tatay mo, sa kanyang edad nakikipaglaban pa din para sa kapakanan ng nakakarami.

Pero ikaw naging sunod sunuran ka na lang kay President Duterte. Maski ang separation of powers nawalan na ng kahulugan sa yo? Sinuportahan mo ang witch hunt na kaso ni Aguirre laban sa kasamahan mo na si Senator Risa Honstiveros? Babaeng senator, pinagtulungan niyo maghanap ng cctv footage kung sinuman ang nakabisto sa mga nilulutong kaso ni Aguirre? Resibo

Paano ka pa po nakakatulog sa gabi, Senator Pimentel?

Napanood ko kahapon kung paano mo dinedepensahan ang report PNP sa number of deaths. Ang report na to ang magpapatunay na maraming buhay na ang nawala.

Pinagtulungan niyo ni Manny si Senator Trillanes. Sabi mo Senator Trillanes is “lumping together” ang numero ng mga nasawi? As I said po, ke 3900 man yan or 20,000 nakakabahala po ang numero. Bakit po ok lang sa inyo? Nalimutan niyo na po ba ang Bill of Rights? Wala na bang halaga sa yo ang karapatang pantao?

Alam ko sa kaibuturan ng puso mo, mali ang mga nangyayari. Sana mahanap mo ang dating ikaw.

Yung nakikipaglaban para sa tama. Yung alam kung ano ang karapatang pantao. Yung may prinsipyo na tama. Yung hindi sunud sunuran. Yung makatao at maka Diyos na Koko Pimentel. Yung may pusong abogado.

Maghahanap ng Lost and Found Corner,

PAB

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *