An Open Letter to Senator Bam Aquino

Dear Senator Bam,

Napansin nyo po ba lately na halos kayo po kasama ng mga LP senators ang mga nagiging biktima ng mga fake news and bashing sa social media. Lately po pinaratangan po kayo ng mismong DOJ Secretary na kasabwat daw po ng Maute group.

I tried defending you po sa blog ko, kasi alam ko po mabuti kayong tao at higit sa lahat magaling na senator. At nakita ko po na dinepensahan nyo po sarili nyo sa social media.

Pinabulaanan nyo po ang kanilang mga kasinungalingan.

Lahat ng date na namention ni Secretary Aguirre ay puro kasinungalingan.

Bagamat lumaban kayo sa social media, mukhang dumating na ang oras na kailangan nang panagutin ang mga sinungaling. May ebidensya kayo from the video and coverage of some reporters, please use it po sa kaso. Isipin nyo po nakulong si Delima because of fabricated evidences and fake news, pag hindi po kayo lumaban, hindi malayo na kayo na pong isunod. Kailangan po managot si Secretary Wigguirre sa mga kasinungalingan na pinaratang niya sa inyo.

Sana po ang kaso na plano niyong ifile ay hindi manatiling plano na lamang. Puwede niyo siyang kasuhan ng criminal case and ipadisbar. Sir Bam,  kailangan nyo pong matutunang lumaban kasi po pag meme lang po kayo lalaban mauulit at mauulit ang pagsisinungaling ni Aguirre lalo pa ngayon na may order sya sa NBI na imbestigahan ang ilang senators. For sure kasama po kayo dun. Baka po magising na lang kayo isang araw na may warrant of arrest na din po kayo.

Don’t wait for an apology, because an apology from Aguirre means that you are giving him the permission to do it again.

Kung kaya niyang mag imbento ng kaso sa isang Senator, imagine what he can do sa mga ordinaryong tao.

Kaming mga supporters mo ay handa kang ipaglaban pero kung ayaw mong ipaglaban ang sarili mo sa proper venue, ano pa ang saysay nang pinaglalaban namin?

Oras na po na kailangan may manindigan laban sa kasinungalingan. Oras na po para lumaban para sa katotohanan..

Napapagod na ng slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *