Open Letter to Secretary Vitaliano Aguirre

Dear Secretary Vitaliano Aguirre,

Mag usap nga tayo. Hanggang kailan mo lolokohin ang taong bayan? Isa-isahin ko ang mga panloloko mo ha.

JACK LAM

Eto yung bribery scandal, na para lang mailigtas sa PLUNDER ang mga frat brother niyo ni Poong Duterte yung bribe money na nakuha ay binawasan ng 1000.  Kapal lang sobra.

LEILA DE LIMA

Kinulong niyo kahit wala kayong nakuhang drugs or drug money man lang. Binaboy niyo at pinalabas na may sex video kahit wala naman. Ilang amendment na ang ginawa niyo sa complaint? Kasi nga wala kayong makuhang ebidensya.

KERWIN ESPINOSA at PETER LIM

Alam natin na nag kumpisal na ito na drug lord sya. Di ba nga ito pa ang ebidensya niyo at testigo against Senator Leila. So kung wala siyang kasalanan, hindi ba dapat palabasin niyo na si Senator Leila?

Si Peter Lim, hindi ba sabi pa nga ni Duterte na pag umapak sa airport huhulihin niya?

Nasa drug matrix pa to ni President Duterte, anyare at pinabswelto niyo.

December napagdesisyunan, kung hindi pa nailabas sa media, hindi malalaman ng taong bayan ang mga kalokohan niyo.

NAPOLES

Kailan pa naging state witness ang may pinakamalaking kasalanan? Ang masakit pa nito ang Malacañang mismo ang nagbibigay ng advice kung ano ang gagamitin na paraan para maging state witness si Napoles.

Alam mo ang masakit, Pilipino na nga ang pinagnakawan, Pilipino pa ang magbabayad sa Witness Protection Program niya.

Ilang beses mo kaming lolokohin? Ilang beses pa niyo kaming papaikutin.

Pareho kayo ng amo mo, mga sinungaling.

Makalbo sana lahat ng mga manloloko sa taong bayan.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *