AN OPEN LETTER TO SECRETARY JUDY OF DSWD

Dear Secretary Judy,

Nang mabasa ko po ang tweet na ito na galing sa mismo sa official twitter account ng inyong tanggapan,nanlumo po ako.

Akala ko po, isa po kayo sa mga iilan lang tamang decision sa gabinete ni Duterte, but I guess I was wrong.

Sa sandaling panahon niyo sa panungkulan ay nakain na agad kayo ng sistema. Paano niyo po nasisikmura ang kaliwat kanan na patayan?  Paano nyo po nasisikmurang tingnan ang mga bangkay ng mga musmos na nadadamay sa walang katuturang giyera ng pangulo na laban sa droga.

Alam nyo po dapat po higit kaninuman kayo dapat ang nakakaintindi sa mga biktima nang EJK. Kasi po naranasan nyo dati kung paano mapagkaitan ng due process during Martial Law. Dapat nga po kayo ang dapat magkaroon ng simpatiya sa kanila.

Pero yung sabihin nyo na “There is no such thing as EJK”, ay isang uri ng pambabastos sa mga namatay at sa mga pamilya nila. Nasan na po yung dating Judy na nakikipaglaban para sa mga naaapi?  San na po yung dating Judy na nagrarally pa para lang ipagtanggol ang mga hirap sa buhay? Masakit isipin na nang dahil sa position naisantabi na ang prinsipyo. Masakit isipin na kaya nang maging pipi, bingi at bulag para lang hindi magalit ang Poon.

Sana sa inyong pagtulog maalala nyo sa isip nyo kung paano pinapatay ang mga biktima ng EJK. Sana marinig nyo sa inyong pagtulog ang palahaw ng mga batang nawalan ng magulang, ng mga magulang na nawalan ng anak.

EJK, exist!  Wag mong ipagkait ang dignidad mga mahihirap sa kanilang kamatayan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *