AN OPEN LETTER TO SECRETARY GINA LOPEZ

Dear Secretary Gina Lopez,

Humahanga po ako sa passion nyo to save our environment. Bilib po ako kung paano nyo binangga ang mga mining companies.

Kung may tamang decision na ginawa ang presidente yun po ang nag give in sa kakulitan nyo po. Sabi nga ni Duterte kahit madaling araw pumupunta kayo sa kanya para maglobby para maappoint kayo. Buti naman hindi nasayang ang pagod nyo po.

Narinig ko po yung audio kung paano nyo po minura ang isang reporter. Ms. Gina kahit saang anggulo ko po tingnan mali po kayo ng sabihin nyo na “YOU ARE JUST A FUKG EMPLOYEE”. The reporter was just doing her job. At saka hindi po dapat minamaliit ang mga empleyado po. Maaring mayaman po kayo at may ari ng multi million na company, pero wala pong silbi yan kung wala po kayong empleyado.

As government official may mga conduct and ethics po kayo na dapat sundin. Maaring si Duterte ay BALAHURA kasi mura ng mura, pero hindi po kayo obligadong gayahin sya. Mas maganda po na ipakita nyo pa din ang tamang asal na tinuro sa inyo ng mga magulang nyo po. Yung minura nyo po, tax payer po yun. Ang sweldo nyo po ay galing sa tax payer’s money. Kung tutuusin kayo ang empleyado kasi tax niya ang pinagkukunan ng sweldo nyo.

Sabi ko nga po, siguro SA KAGUSTUHAN NYONG MAGING MAGALING NAKALIMUTAN NYO NA MAGING MABUTI.

Ms. Gina, walang silbi ang tagumpay kung may binabalahura kayong tao in the process. Ang pagiging BALAHURA ay hindi po dapat gayahin, kasi at the end of day kung paano kayo makitungo sa kapwa niyo ay magrereflect sa pangalan niyo, sa values na kinalakhan niyo at lalo na sa pagkatao niyo po.

Sana po hindi na mangyari ang ganitong insidente. Isipin mo na lang na empleyado ka din, para hindi mo maliitin ang mga empleyado.

More Power and God bless.

P. A. B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *