Open letter to #SandraScam

Dear Sandra Cam,

Mawalang galang na po, pero san kayo humuhugot ng kapal ng mukha? Wala na nga kayong nagawang matino para sa bayan, nagkakalat pa kayo ng perwisyo sa bayan.

Kung totoo ang balita na naghahanap kayo ng testigong mababayaran para magtestify laban kay VP Robredo, nagsasayang lang kayo ng oras. Kasi ang mga tao sa Camarines Sur at Naga ay hindi basta2x, mababayaran ng salapi. Alam nila na naging mabuting halimbawa si Sec. Jesse at VP Leni sa kanila. Hindi sila kurakot gaya ng mga Marcos, hindi rin sila kasali sa Napoles list gaya ni BBM.

Kung sinuman nagbigay sa yo ng pera nagsasayang lang yan ng funds, kasi baka sa bulsa pa ng scammer yan mapunta.

Grabe kayo po, nasisikmura nyo talagang magbayad ng pekeng tetistigo para lang sumipsip sa Poon, sabagay si Poon sanay din sa “planting evidence” nung fiscal pa siya di ba?

Pero alam nyo po, ikaw lang ang bukod tanging tao na kahit wala pang position sa gabinete ay pinagmamayabang na at gusto nang makalibre sa terminal fee sa NAIA Hahaha!

Mas mabuti siguro ikaw na lang ang ikulong dun sa “secret cabinet ” mas bagay ka dun balahura ka din eh. Cabinet gusto mo di ba?

Just to let you know, anuman ang maitim mong balak kay VP Leni, hindi ka magtatagumpay. Kasi sa pelikula man o sa totoong buhay, hindi pa nanalo ang kasamaan sa kabutihan.

So mangisay ka sa inis! Tse!

Nagagalit,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *