An Open Letter to Samsung

Dear Samsung Philippines,

Una po sa lahat gusto po naming magpasalamat sa pakikipag partner niyo sa #AngatBuhay program ng Office of the Vice President. Malaking tulong po yun sa mga kababayan namin na kapus palad.

Gusto ko rin pong pong sabihin po sa inyo na this HORRIBLE person does not represent the Filipino people.

Hindi po ganito ang values ng Pinoy. Marunong po kaming maging grateful sa mga tulong na binibigay sa amin. Humihingi po kami ng paumanhin sa kanyang kabastusan.

To the management of Samsung maraming maraming salamat po. Kung tutuusin your company is already stable. Tumulong man kayo o hindi, still lalago pa din ang kompanya. Pero sa kabutihan po ng inyong puso mas pinili niyo pa ring tumulong sa mga Pilipino.  Kung si Pia Wurtzbach ang Ms. Universe with a heart, kayo naman po ang company with a heart.

Sa mundo ng magulong politika at mga balahurang propagandist mas pinili niyong abutin ang mga nasa laylayan ng lipunan. Hindi kayo natakot na mabatikos na siya na ngang nangyari. Asahan niyo po na hindi po namin makakalimutan ang tulong na ibibigay niyo.

Isa po kayong inspirasyon at magandang halimbawa sa mga malalaking kompanya.

Indeed, your company’s vision is true  “Inspire the World, Create the Future”

Thank you po, mula sa puso namin.

More Power,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *