Open Letter to Rigoberto Tiglao

Dear Mr. Tiglao,

Hello po. Nabasa ko po ang toxic post niyo about Associate Justice Leonen . Dumaan po sa feed ko sa twitter. Nung binasa ko napangiwi ako sa mga ad hominem attack na ginawa niyo. I asked myself kung sino ang tong napaka balahura ng bibig. Then I Googled your name, and there I found out na appointed ka pala ni GMA. Tauhan ka pala nya. I also read some of your old post wala kang tinira kung hindi Dilawan OR si Pnoy. May problema po ba kayo sa dilaw? Grabe sya.

Let’s go to your post. You called Justice Leonen ,incompetent.  Pero hindi mo naman sinabi kung bakit. Just because nagdissent sya sa decision ng Martial Law case, incompetent na agad?  Hindi ba puwedeng iba ang interpretation niya sa batas sa nakakaraming justices?  Ganun po talaga, may dissenting opinion at may concurring opinion sa bawat kaso. Hindi po pare pareho ang mga pag iisip ng mga justices. Try niyong magbasa ng kaso po para hindi kayo tatanga tanga.

Tapos tinawag niyong  nincompoop OR stupid si Justice Leonen. Alam niyo po kung ano ang stupid yung mga taong hindi marunong magbasa at puro personal ang ginagawang pag atake. Yung nagmamarunong pero wala naman alam talaga sa isyu. Tinawag niyo rin pong curse sa country si Justice Leonen. Alam niyo po Sir, ang curse sa country ay yung mga taong ubod ng sipsip sa administration kasi umaasang mabigyan ng pwesto. Mga taong ganun ang kasumpa sumpa kasi ang puhunan lang laway para mapansin ng pangulo. Isa pang curse sa country yung mga lalakeng may kabit kahit buhay pa ang asawa yun talaga kasumpa sumpa yun. Mapunta sana sa impyerno ang mga taong ganun.

OK tinira niyo ang opinion ni Justice Leone na “The group committing atrocities in Marawi are terrorists. They are not rebels. They are committing acts of terrorism. They are not engaged in political acts of rebellion.” Therefore, Leonen claims “there is no rebellion (in Marawi) that justifies martial law”; it is unconstitutional.

Sabi mo ang Rebellion” is defined as “an act of violent or open resistance to an established government.” Black’s Law Dictionary defines it as “deliberate, organized resistance, by force and arms, to the laws or operations of the government.”

Mas mabuti sigurong dumiretso tayo sa batas.

According to RA6968 ang rebellion daw po ay

Article 134. Rebellion or insurrection – How committed.“the crime of rebellion or insurrection is committed by rising and taking arms against the Government for the purpose of removing from the allegiance to said Government or its laws, the territory of the Republic of the Philippines or any part thereof, of any body of land, naval or other armed forces, or depriving the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their powers or prerogatives.”

What Maute did is to terrorize the citizen of Marawi. That’s the primary purpose. Wala naman silang sinabi na gusto nila na maging independent ang Marawi or sila na ang mamumuno nito. Ang ginawa nila, is pumatay, sumunog at manakot ng mga tao. So asan ang rebellion dun base sa definition ng batas natin? Even without the declaration of Martial Law, still magkakaroon pa din ng mahigpit na mga check point, AFP will still fight with the terrorists.

Eto pa sinabihan mo si Justice Leonen na hindi alam ang rebels at terrorist mean. Tapos sabi mo “Rebellion refers to a political aim. Terrorism refers to a tool, or a strategy.”

OK since you’re saying na Rebellion is a political aim?  So may sinabi na ba ang mga Maute na political aim?  Meron na ba silang dinemand from the government? Wala di ba?  Puro lang patayan at barilan? Terrorism sabi mo refers to strategy, so anong tawag sa gumagamit ng strategy na to?  Hindi ba terrorista? Mismo ang president na ang nagsabi “he don’t deal with terrorist” referring to Maute.

Eto pa ha, sabi mo na even before the trial began sinulat na ni Justice Leonen ang decision niya. Sir you have to understand na kung ginawa lamang ng Congress ang responsibility nila to convene and check kung sapat ba ang dahilan to declare Martial Law, hindi na sana aabot sa ganito. President Duterte declare Martial Law while in Russia at ang basis niya ay may sinakop na na hospital at may pinugutan na ulo na Chief of Police. Then later on it turns out puro pala fake news. Syempre, ang decision ni Justice Leonen will be anchored sa facts and evidence ng kaso.

Tapos binatikos niyo pa ang ang paghead ni Justice sa peace panel negotiating with MILF, luh sya para namang nagtagumpay kayo sa Lamitan siege nung panahon niyo. Wag ka nga, as if hindi alam ng tao or naKITA nila kung sino ang mga MALAKING involvement duon kung bakit nakatakas ang mga terrorista. Maraming ACCOUNT  ang mga tao bakit pumalpak yun.

Sabi niyo pa po “The lying Leonen fabricates a Supreme Court decision in his effort to build up public opinion that Duterte’s martial law puts a gag on media.”

Sir,  when the president asked the media practitioner to be prudent, the order was not very clear. Bakit lilimitahan ang media sa pagreport kung ano ang nangyayari sa ground?  The people needs to know. Hindi po ba parang gag order yun.

Tapos you call again stupid and lunatic si Justice kasi naka anchor ang belief niya na “Leonen sees Marcos’ ghost in Duterte’s use of martial law” You can’t blame the Justice and even other people kung ganun ang paniniwala nila. Eh presidente na mismo ang nagsabi last May 25, eto po ang interview niya.

Sabi niya “Martial Law is Martial law ha. It will not be any different from what the President Marcos did. I’d be harsh.”

So sino ngayon ang lunatic at liar sa inyo ni Justice Leonen? Si Justice na based on facts and evidence or ikaw na personal attacks ang ginawa?

Speaking of being a liar, di ba ikaw po ang nag akusa  dati kay Jim Paredes na nangingialam sa Philippines affairs tapos pinamalita niyo na Australian citizen sya, tapos it turned out hindi pala. Luh, nagmukha kayong tanga dun. Yun pagsisinungaling talaga yun.

Another one is when you accused rappler of lying sa number of deaths sa EJK tapos it turned out pala totoo, kasi yung numbers ay galing mismo sa website na minimaintain ng PNP, yung Bantaykrimen.com. So sa puntong yun mukhang nagsisinungaling na naman po kayo.

So uulitin ko ang tanong, between you and Justice Leonen, sino ang may history ng kasinungalingan?

Friendly advice po ha Sir Ex-journalist and Arroyo apologist, the next time you accuse someone stupid or liar, face the mirror first and ask yourself kung you are the best person to do it. Because you know the boomerang principle?  😂😂😂

Anyway, yun lang po. Sana magbunga yang ginagawa mo ng pwesto sa gobyerno. Sayang ang effort eh. 😏😏😏

Yamot sa Sipsip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *