An Open Letter to PNoy

Dear PNoy,

Ang tagal na nga sulat na to, hindi ko matapos tapos kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero nung makita ko po kayo sa hearing kahapon, lahat ng salita pumasok po sa isip ko.

 

“NAKAKAMISS”

Una po, gusto ko pong sabihin, “namiss po namin kayo”. Nakakamiss yung presidente na hindi nagmumura, yung hindi nananakot at higit sa lahat hindi mukhang dugyot.

 

Nakakamiss yung presidente na matapang sa salita at sa gawa.Nakakamiss yung presidente na may balls. Yung hindi na kailangan ipangako ang jetski, pero pinaglaban ang karapatan ng bansa sa teritoryo natin laban sa China.

 

Nakakamiss yung presidente na kaya mong ipagmalaki sa buong mundo kasi magpakailanman hindi naging balahura sa ibang head of state or sa Santo Papa.

 

Nakakamiss yung presidente na hindi bastos sa kababaihan, at hindi nang eengganyong pumatay ng kapwa.

 

“SALAMAT”

Salamat po at binigyan niyo kami ng pagkakataon na tawaging na “Rising Tiger of Asia” sa ilalim ng inyong pamumuno.

Salamat po at sa loob ng 6 na taon hindi po kayo or any member of your family nainvolve sa corruption.

Salamat at siniguro niyo ang pagtaas ng mga sweldo ng mga kawani ng gobyerno bago kayo umalis sa pwesto.

Salamat po na kahit dinatnan niyo ang bansa na lubog sa corruption, iniwan niyo naman kami sa much better position dahil sa inyong disenteng pamumuno.

 

“DASAL”

Sir, samahan niyo kami sa pagdasal po ha. Papalubog na po ang maunlad na ekonomiya na iniwan niyo. Ubos na po ang savings na iniwan niyo po.

Ang dami-dami na pong namamatay araw-araw. Kahit mga batang inosente ay nadadamay.

 

Wala na po yung pinanalo natin sa West Philippine Sea, tuluyan na pong pinaubaya sa China.

 

Nabubuhay na po sa takot ang bawat isa , lalo na po yung mga kapatid namin sa Mindanao.

 

Pakisabi naman po sa Mommy mo na nasa langit baka puwedeng ibulong kay God, na tulungan kami kasi po ang hirap-hirap na.

Alam ko po, ordinary citizen na po kayo, pasensiya na po kung iniistorbo ko pa kayo sa mga hinaing namin ngayon.

Maraming salamat po kahapon, na kahit sa ilang oras lang naranasan uli namin makapakinig sa isang matino at may sense at disenteng pinuno.

Mahal po namin kayo.

Nanghihinayang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *