Open Letter to Pia Ranada

Dear Ms. Pia Ranada,

Nabasa ko po ang sulat niyo po. Ramdam ko ang hirap na dinanas mo bilang isang journalist na nagcocover sa Malacañang. Nakikita namin sa internet kung paano ka binabastos.

Nakita din naman kung paano ka binastos ng mga DDS. Mula sa pagiging journalist mo, hanggang sa pagkababae mo. Nababasa din namin na pinagbantaan ang pamilya mo.

Sa kabila ng lahat ng pananakot at pambabastos, nakita din namin kung paano ka nanindigan, bilang tao, bilang babae at bilang journalist. Maraming salamat po sa iyong katapangan. Maraming salamat po sa iyong paninindigan.

Sa panahon kung saan nagkakalat ang fake news, kailangan ng bansa ang isang Pia Ranada. Sa panahon ng divisiveness at hatred online kailangan ng bansa ang isang Pia Ranada. Sa panahon na ang ibang mamamahayag ay mas piniling kumampi sa kadiliman, kailangan ng bansa ang isang Pia Ranada. At sa panahon na tinutubuan nang takot ang ibang mamahayag mas higit na kailangan ng bansa ang tapang ng isang Pia Ranada.

Maraming, salamat ha. Alam ko minsan nahihirapan ka na, lagi mong tatandaan mas marami kaming sumusuporta sa yo. Hindi mo man kami nakikilala pa, pero sa bawat dasal namin naroon ka.

Thank you for holding the line, Pia!

Lubos na Humahanga,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *