Open Letter to Philippine High School for the Arts

Dear PHSA,

Napadaan sa feed ko ang post na to.

Apparently sa scholars manual daw ng PHSA po, ang dating Maria Scholarship Award ay binago niyo na daw po at ginawa niyong Maria Imelda Romualdez Marcos award. Resibo.

Anong maibibigay niyong paliwanag dito, aber? Huwag sana kayong sumabay sa historical revisionism na ginagawa ng mga Marcoses.

Ang Maria award ang nagbibigay niyan ay ang CCP. Resibo.

So anong dahilan para palitan niyo ng apelyido ng mga taong dahilan ng pagkawala ng libo-libong buhay. Baka gusto niyong ipaalaala ko sa inyo na pinagnakawan tayo ng bilyon bilyon na hanggang ngayon binabayaran pa din natin.

Kayo ang humuhubog sa mga kaisipan ng mga kabataan sa pamamagitan ng arts and culture, wag niyo sanang baguhin ang kasaysayan.

Pinagsamantalahan ang bansa, pinatay ang libo libong Pilipino at ang ninakaw nilang yaman hanggang ngayon ay ginagamit pa din nila para makabalik sa kapangyarihan. Anong dahilan para ipangalan niyo ang isang parangal sa kanya?

This is so wrong on so many levels. I hope you have a good explanation about this!

Never Again to Marcoses,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *