Dear Mr & Mrs. Bernie Liu,
First gusto ko pong magpasalamat sa investment na binigay niyo po sa bansa. Maraming mga Pilipino na nabigyan niyo po ng trabaho. At mas napasigla niyo po ang market kasi po mas maraming choices na sa pagbili ng mga damit.
Kaya po ako sumulat, kasi po about po sa program niyo po na #IAmDifferent. Resibo.
This is a good program po. Malaking tulong po ito sa paglaban sa mga bully. Ang nakatawag lang po sa attention ko nang malaman ko na si Franco Mabanta is one of your ambassadors sa Anti-Bullying campaign. Resibo.
This is the same person who bullied me for so many days just because magkaiba ang political leanings namin. Resibo.
In fact it his post was reported sa FB sa sobra pong pambabastos. And FB took it down. But it did not stop him from being a bully. Resibo
And again. Resibo.
In this post ginamit niya pa ang hashtag na #MeToo na ginamit po ito ng mga kababaihan na nabiktima ng harassment at pang aabuso. Instead he used the hashtag to bully someone just because different sa kanyang political standing. Hindi po ba sobrang sama nun?
Mr & Mrs. Bernie Liu, ang pambubully ay hindi po lamang sa mga bata, minsan po ang mga may edad na nakakaranas din po ng pambubully.
Hindi ko po kayang saklawan ang inyong pag-iisip kung bakit po pinili niyo po sya as one of your ambassadors, sa isang makabuluhang campaign. Pero para pong may disconnect, ang ambassador niyo po sa Anti-bullying campaign ay isa din pong bully?
Nevertheless, nagpapasalamat po ako, na dahil sa campaign niyo po, magkakaroon ng awareness na we need to help yung mga taong nabubully and we need to stop bullies.
I am praying na sana po God will guide you sa desisyon na gagawin niyo about the campaign.
More power po and God bless you!
Galit sa mga Bully,
PAB