AN OPEN LETTER TO THE MEN AND WOMEN OF AFP

TO THE MEN AND WOMEN IN UNIFORM OF ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Una, gusto ko pong magpasalamat sa patuloy niyo pong pagtatanggol sa amin laban sa mga terroristang CPP/NPA,sa mga MILF, MNLF lalo na sa mga Abu Sayaff.

Ngayon po nasasangkot na naman po kayo sa isyu nang pagbigay ni Duterte ng dapat sana inyong tirahan. Alam ko po masakit po ito sa inyo kasi karamihan sa inyo ay kinaltasan na sa inyong mga sweldo. Ang iba po sa inyo umasa na na sa inyong pagretiro ay may bahay na sana kayong matitirhan. Sa kasamaang palad ang benipisyo na para sana sa inyo ay binigay ng pangulong ito na hindi man lang kayo nakunsulta.

Kung gaano kayo inalagaan ng nakaraang administration sa pamamagitan sa pagmodernize sa inyong kagamitan ay siya naman kayong binabalahura ng administrasyon ngayon. Nasabi ko ito because of the following reasons:

  1. Pag upo ni Duterte tinigil niya ang modernization ng inyong kagamitan.

  2. Madaming namatay sa Zamboanga siege na mga sundalo pero binalahura ni Duterte ang kanilang pagsakripisyo sa pamamagitan nang pagpawalang bisa ng warrant of arrest ni Nur Misuari. At doble pang sakit kasi pinagsalita pa niya sa podium ng MalacaƱang na para lang walang nangyari. šŸ˜¢

  3. Nagdeclare ng unilateral ceasefire. Ibig sabihin hindi lalaban ang mga sundalo sa mga komunistang NPA, ang resulta? Maraming namatay sa hanay nyo kasi patuloy ang pagpatay ng mga NPA sa mga sundalo.

  4. Nangako na dodoblehin ang sweldo nyo pero hanggang ngayon hindi pa rin kasama sa budget. Nung pasko as high as 400k ang binigay sa kapulisan pero ang mga sundalo ay kinalimutan.

  5. Yung mga nasawi sa SAF44 halos 1.5 million each na ang naibigay. Samantala yung mga nasawi sa paglaban sa Abu Sayaff at sinunog ng NPA, hanggang medalya at photo ops lang habang umiiyak.

  6. Ngayon nga pati sana ang inyong titirhan ay pinamigay sa Kadamay ang urban faction ng CPP/NPA dito sa syudad.

Bilang Commander in Chief ng AFP dapat sana pinapahalagahan nya ang sakripisyo nyo. Sa inyo dapat siya kumakampi. Ang kapakanan nyo dapat sana ang unahin at hindi ang kapakanan ng mga taong pumpatay sa hanay nyo.

Alam ko po nasasaktan po kayo, pero sana po wag kayong susuko sa pagprotekta sa mga mamamayan. Hindi man kayo pahalagahan ni President Duterte, mas marami po kaming nagpapahalaga sa ginagawa niyo.

Mga Sir And Ma’am of AFP, maraming salamat po ha. Kaya po kami nakakatulog sa gabi ng mapayapa dahil po sa inyo na patuloy nakikipaglaban sa mga komunista at terrorista.

God bless you po.

Lubos na Gumagalang,
P.A.B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *