An Open Letter to Secretary Mark Villar

Dear Secretary Mark Villar,

I’ll be honest with you po ha,  when President Duterte appointed you as Secretary of DPWH, I had my doubts, kasi nga you know conflict of interest? Your family owns construction business and subdivision. Pero naisip ko baka nga naman too young ka pa para maging trapo.  But I spoke too soon.

Yung kinuha mo ang credit ng pag tapos ng NAIA skyway extension. Alam naman natin lahat na even before pa umupo bilang president si Duterte ay 99% tapos na ang project na yan na sinimulan sa project ni Pnoy. Galawang trapo ka eh.  Gumawa ka ng sarili mong proyekto,  at wag mang agaw ng proyekto ng iba!  😡

Ang NAIA skyway ay kasama sa listahan ng mga inumpisahang mga project under the administration of Pnoy.

Ngayon naman nagpost na naman kayo.

Sabi nyo part ito ng Dutertenomics at Build build build, naku naman napaka sinungaling nyo. That project started 2004 , paragon pa ni Arroyo. First phase of Miranda bridge nagsimula sa panahon ni Arroyo. So clearly,  hindi yan part ng Dutertenomics na hashtag mo.

Naku, yang mga propaganda nyo ha, na feeling nyo exclusive lang ang infra project sa inyo. FYI,  here are some of the bridge projects of past admin in terms of infra.

At saka ang maganda nun, hindi trapo ang Secretary ng DPWH. Ikaw po wala pa isang taon galawang trapo na. Konting hiya naman po diyan.

Ang point is madaming project ang puwedeng gawin ng Dutertenomics mo, kaya di mo kailangan magsinungaling OR mag credit grab para bumango sa tao ang Poon mo.

Gumawa ka ng sarili nyong accomplishment. Sabagay, sabi nga, “How you campaigned, is how you govern”. Nagsimula sa kasinungalingan, nanalo dahil sa kasinungalingan,  at nagpapatuloy sa kasinungalingan.

Sir Mark, kalevel nyo na po sila Asec. Mocha at Asec. Badoy,  sa pagkakalat ng fake news. Requirement po ba yan, bago maging member ng cabinet ni Duterte?

Naiimbyerna,

PAB

Save

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *