An Open Letter to Secretary Mar Roxas

Dear Secretary Mar Roxas,

Happy Birthday  po! Kumusta na po kayo?  The last time I saw you nung last debate sa Pangasinan.  Hanggang ngayon, I am still amazed how articulate you were sa debate na yun.

That was the most divisive election our country ever had. At ikaw po ang pinaka grabeng naranasan sa pag atake ng mga trolls sa social media. I defended you every chance I got, sa social media man o sa real life. Kasi po alam ko mabuting tao ka. Alam ko po hindi mo papabayaan ang mahihirap. Alam ko po na poprotektahan mo po ang mga kababaihan at yung mga nasa laylayan ng lipunan.

Pero nakakalungkot lang kasi ang black propaganda ang nanaig. Alam nyo po, nung nagsink in na po sa akin na talo na po talaga kayo, halos buong araw akong umiyak. Mas iniyakan ko pa po yata ang pagkatalo nyo po, kaysa sa paghiwalay namin ng 7 years na boyfriend ko eh. 😊

You are the president that we deserve but we never got the chance to have. Marahil you are too good for us. 22 years nyo po kaming napagsilbihan ng buong puso, marahil hindi nakita nang iba yun. Sir Mar,  hindi po ako nagsisi na kayo po ang sinuportahan ko kahit po hindi kayo pinalad. Alam ko po na isa po yun sa mga tamang decision na ginawa ko sa buhay.

Sir, yung bansa po natin, ay nasa kadiliman ngayon, kaliwat kanan ang patayan. Yung mga bilihin po patuloy na tumataas. Ang ekonomiya po natin pababa na po ng pababa. Laughingstock na po tayo ng buong mundo. 😢😢😢

Pasensya na po kayo kung ngayon pa po ako nagconfide sa mga problemang kinakaharap ng bayan.  Pero ang hirap na po talaga. Gagayahin ko lang po ang sinabi ni Basha sa One More Chance ha (with a twist) , “Sana po ikaw na lang, sana po ikaw na lang uli. “

Alam ko po masaya na kayo ngayon sa buhay nyo po, obvious po sa mga picture nyo sa IG.  You look healthy po and at peace. Pero Sir, wag nyo po kaming pabayaan ha. Kunin nyo po uli kami sa kinakasadlakin namin ngayon. In a heartbeat I will still support you po sa anumang laban na pipiliin nyong tahakin.

Happy Birthday po uli and God bless you.

Patuloy na sumusuporta,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *