An Open Letter to Makabayan Bloc

Dear Makabayan Bloc,

Balita ko po unti-unti na kayong nagigising at nakita niyo na kung anong klaseng halimaw ang pinalakpakan niyo at sinuportahan. Parang kailan lang na flattered na flattered kayo kasi pinapasok kayo ni Duterte sa Malakanyang during his inauguration.

Tapos nung nailagay sa pwesto ang iilan sa inyo, tuwang tuwa kayo. Hindi niyo na napansin ang unti unting pagpatay sa mga Pilipino.

Nagconcentrate kayo sa pag puna sa USA,  pero malamya kayo sa pagpuna sa pagsakop ng China sa teritoryo natin.

Tapos kahit ang patayan ay araw-araw na nadadagdagan you chose to be silent.

Pinagtanggol niyo pa rin sya. Nag start kayong mag ingay noong nareject na si Secretary Taguiwalo at maybe what broke the camel’s back ay yung rejection ni Mariano and the taunting of Inday Sara Duterte.

Gusto ko tuloy isipin na baka ang dahilan ng inyong pagkalas kay Duterte ay hindi dahil madami nang nadadamay sa kampanya laban sa droga, kung hindi wala na kayong nakukuha sa kanya. Kasi bakit kailangan umabot pa sa 13,000 na biktima bago niyo naisipang kumalas?

Besides feeling ko nagpapahabol lang kayo, kasi bakit member pa din ng supermajority ang ibang representative niyo? At saka ang iba nasa gabinete pa, like Liza Maza.

At kung kakalas, kakalas hindi na kailangan pag iisipan or pag uusapan pa. #NaDuterte kayo di ba?

Sa nangyayari ngayon parang magjowa lang na nagpapahabol ang isa. Ang Makabayan bloc ang dyowang nagpapahabol na nasa may pinto na at nagsasabing “Aalis na ako. Aalis na talaga ako. Eto na ang bag ko, dala ko na. Bubuksan ko na ang pinto o. Ihahakbang ko na ang paa ko.  Eto na ang kalahating katawan ko nasa may pinto na oh. ”  😂😂😂

Yan ang naiimagine kong style niyo ngayon po. Ganun pa man, sana totoo ang pagkalas na yan at taos sa puso at hindi pansariling interest lang. Simulan niyo sa pagkalas sa supermajority at sa gabinete.

Anyway welcome to the fight against tyranny po. Sana walang mapagpanggap sa laban na to.

Yamot sa Pabebe,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *