An Open Letter to Kitty Duterte

Dear Kitty,

Hi. Nabasa ko sa mga feeds ko kung paano mo sinagot ang mga bashers mo.

First, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ganun kasi ang tendency ng tao pag nasasaktan, to fight back. Pero kiddo there are ways to make a point na hindi kailangan magmura at maging balahura.  Kasi ang pagmumura will not make your argument stronger. It will only reduce you into a troll.

Alam ko na minsan mahirap na lagi na lang nakatutok sa yo ang lahat. Pero you have to understand, na youth look up to you as their example. Gugustuhin mo bang maging example ka sa pagmumura? Kiddo, lahat ng mga anak ng mga sikat na pulitiko ay nakakaranas ng pagbash, but they choose to  deal with it in a diplomatic manner.

Wag kang maniwala sa mga pumupuri sa yo na as if tama ang pagmumura,  kahit pa presidente lumabas ang mura mali pa din yun. Sabi ko nga normal magalit pero ang pagmumura, it’s not OK lalo na sa yo na laging inaasahan ng mga tao na you will be in your best behavior.

You are still young, madami ka pang puwedeng baguhin sa pananalita at behavior. Alam ko naiintindihan mo ako kasi you seem smart naman eh.

Mas gugustuhan mong matawag na ” Kitty the Miss Congeniality” rather than “Kitty the Miss Profanity”, right?

Anyway,  I hope you get my point.

God bless you and Good luck sa studies mo.

Concern lang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *