Open Letter to Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas

Dear Chairman Ruperto S. Nicdao,

First time ko pong sumulat sa inyo. I am not sure po kung nabalitaan niyo na po ang nangyari po kanina sa DWIZ882 radio station. Resibo po.

Eto po ang transcript ng interview, hahayaan ko po kayong humusga.

Sir Ruperto, hindi po ba ang isa sa mga statement niyo sa KBP ay ito? Resibo.

Sa tingin niyo po ba ang inasal ni RJ Nieto ay naayon sa ethical standards ng KBP? Inciting to hurt someone from the media? Hindi po ba mali yun?

Kayo po na nasa broadcast network ay mas malawak po ang medium niyo na maiparating sa mga tao ang tamang impormasyon, paano po kung ang isa sa mga member niyo ay nagpopromote para saktan ang isang tao na kasama niyo pa sa industriya? Ano po ba ang dapat gawin ng samahan po ng KBP sa puntong ito.

Hindi ko po alam, kung paano po niyo haharapin ang mga ganitong reklamo. Sana po hindi po kayo matakot gumawa kung ano po talaga ang fair at tama. Sana po maipakita niyo sa mga Pilipino na ang KBP hindi nagtotolerate ng ganitong klaseng programa sa radyo.

Si Pia Ranada ay ginagawa lamang ang trabaho niya bilang isang reporter. Magreport kung ano ang totoo. Pero kung bawat reporter ay makakaranas ng pagbabanta at pambabastos, palagay ko po kailangan na po kayong umaksyon. Ang radio station ay kasama po sa inyong organization, sana po mabigyan niyo po ng kaukulang disiplina.

Umaasa po kami na inyong mga taga-pakinig sa fair at impartial na action po galing sa inyo.

Lubos na Gumagalang,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *