An Open Letter to the Justices of the Supreme Court

Dear Honorable Justices,

Ilang weeks na ba dinidinig ang hearing sa impeachment case ni Chief Justice Sereno? Madami dami na din po di ba? Nabasa ko to sa Manila Times this morning.

Hindi ko po alam kung fake news po ito o hindi. Pero sana fake news na lang.

Kayo ang kataas taasang hukuman. You were appointed as Associate Justices kasi kayo ang mas nakakahigit na marunong sa batas.

At ayon po sa batas, Chief Justice can only be remove through impeachment. May impeachment na di ba? Bakit po hindi maigalang ang proseso? Alam niyo po ba kung anong mensahe ang pinapakita niyo sa taong bayan?

Kung ang pinakamataas na hukuman sa bansa ay hindi marunong rumespeto sa Saligang Batas, paano na lang ang ordinaryong mamamayan?

May process na ongoing. Huwag niyo sanang gayahin ang Presidente na dinadaan lahat sa BARDAGULAN. Respect the process sana.

Some of you, nag witness na sa hearing, kung totoo ang sinasabi niyo at impeacheable offense ang mga paratang then let the impeachment court decide.

Bakit may walk out walk out pang nalalaman? Please don’t be like Atty. Gadon na lahat na lang trial by publicity.

Please sana isantabi ang personal na issue, sundin ang Saligang Batas kasi yun ang tama.

Alam ko sa puso niyo na kailangan niyo sundin ang sinumpaan niyong tungkulin. Ang katapatan sa Saligang Batas ang pairalin.

Gumagalang Pa Din,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *