An Open Letter to Joey De Leon

Dear Sir Joey de Leon,

Nang mapanood ko po ang video niyo kahapon kung saan minaliit niyo ang depression, nagalit din po ako.

Maine Mendoza and Joey de Leon on Depression

Kasi nga naman hindi biro ang sakit na depression. Alam niyo po ba anyone puwedeng makaranas niyan. Yung mga batang naka witness kung paano pinatay ang mga magulang nila dahil sa Tokhang, yung mga magulang na nawalan ng anak na biktima ng EJK, yung mga OFW natin na nakakaranas ng kalungkutan sa ibang bansa, ang sobrang kahirapan ang pagkalunod sa salapi kahit sino po, puwedeng makaranas ng depression po. Hindi po madali ang pinagdaanan nila po.

Eto po ang kaibahan ng stress at depress.

Sana po may natutunan kayo sa mga nangyari. Pero bumalik ang respeto ko po sa inyo nang matapang niyo pong inamin ang pagkakamali niyo po.

Joey de Leon apologizes on comment on Depression

Maswerte po kayo at may asawa at anak po kayo na nandiyan to correct you sa pagkakamali na nagagawa niyo po. Saludo din po ako sa pamilya niyo.

Sana po now that you are aware na hindi biro ang depression, sana po tumulong kayo sa pagpapalaganap ng awareness kung ano ang tamang konsepto about depression. Na ang mga taong nakakaranas nito ay hindi dapat pandirihan, mas sila ang nangangailangan ng pagmamahal at pag aaruga.

Gamitin niyo po ang boses niyo sa mabuting layunin.

God bless you and your family po.

Nanenermon ng Slight,

PAB

P. S. Sana po turuan niyo rin po si Senator Sotto kung paano magpakumbaba kung nagkakamali sya. “Nang-aano” po sya lagi, eh. 😒

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *