An Open Letter to Isabelle Duterte

Dear Isabelle,

Belated Happy Birthday!

Siguro sa kasaysayan ng Pilipinas yung debut mo ang pinakabongga.

Imagine pictorial palang, Malacañang na agad.

Sa gown mo palang ilang EJK victims na kaya ang puwedeng magkaroon ng maayos na libing? Sa punerarya kasi ngayon, siksikan na mga patay, sa dami nang pinapatay araw-araw.

Balita ko yung invitation mo palang, 2,000-3,000 each na.

Alam mo ba na ang mga batang to, ay hindi nila mararanasan mag debut or kahit man lang 16th birthday party.

Eto yung mga batang inosente na nadamay sa drug war ng lolo mo.

Nabilang mo ba kung ilang beses kang nagpalit ng outfit? Or kung ilang gown ang nagamit mo?

Ang gaganda! Halatang mamahalin talaga. Para kang prinsesa. Pero alam mo, swerte ka kasi nabubuhay ka sa palasyo, ang iba sa ating mga kababayan, hanggang sa kanilang kamatayan inagawan pa sila ng dangal.

Nakita ko rin ang cake mo. Sobrang taas. Tapos ang luwag luwag ng venue. Parang palasyo.

Pero alam mo ang ibang kababayan natin hanggang sa kamatayan nila, nagsisiksikan sila sa libingan. Hindi na kinakaya kasi ng morgue sa dami nang pinapatay araw-araw.

Ngayong legal age ka na, sana lumaki kang hindi nagmumura. Sana lumaki kang pinapahalagahan ang buhay at karapatang pantao. Sana lumaki kang hindi sinungaling. Huwag kang magpepretend na mahirap ha, gaya ng lolo mo, ayaw ng mga fans yung ganun. Maging mabuting tao ka, ok na sa kanila yun. Huwag kang papasok sa bisyo kasi masama yun. Lagi mong igalang ang mga tao sa paligid mo. Kung napupuna ka sa pagkukulang mo, take it constructively para maimprove mo ang sarili mo. Huwag kang gagaya sa lolo mo na nagpapasara ng pahayagan pag napupuna.

Kung masama ang loob mo sa Papa mo, kausapin mo privately, kasi at the end of the day, papa mo pa rin sya.

And lastly, kung may makita kang mali na ginagawa, sa yo man o sa ibang tao, huwag kang matakot to call it out, basta nasa tama ka lang.

Swerte ang Mommy mo kasi kumpleto pa kayong magkakapatid. Kasi iyong ibang mga ina hindi na nila makikita ang mga anak nila.

Happy Birthday uli!

Mulat na Mamamayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *