An Open Letter to Integrated Bar of the Philippines

Dear Atty. Rosario T. Setias-Reyes,

Nabasa ko po na kayo po pala ang President ng IBP. Hindi ko po alam kung nakarating na po sa attention nyo ang isyu na to. Isa po sa mga member nyo ay nagsasabog po ng pagbabanta sa social media.

Prosecutor po pala sya sa Caloocan.

Maliwanag pa po sa sikat ng araw na pinagbabantaan nya po ang Bise Presidente ng Pilipinas at lahat ng taong hindi umaayon sa kanyang paninindigan sa pulitika.

Atty. Reyes,  bilang isang abogado, alam ko po na may subject po kayong Ethics na kung saan dito niyo tinatalakay kung ano po ang dapat na behavior ng isang abogado. Kahit saan ko po tingnan mali po talaga ang behavior ni Prosecutor Cañete.  Member niyo po sya,  bilang president nasa inyo pong mga kamay ang pagdidisiplina po sa kanya. Kung kaya niyang pagbantaan ang buhay ng isang Bise Presidente, paano na lang po kaming mga ordinaryong mamamayan?

Nakakatakot isipin na ang isang abogado ay tingin sa ibang tao ay hayup. Kung tutuusin po, wala pong ginagawa si VP Leni na masama sa larawan,  para pagbantaan ang buhay niya ay gawain ng isang tao na hindi tama ang pag iisip. Sobrang hatred sa puso at isip. Kung ang inaasahan ng taong bayan na syang dapat magbigay ng mabuting halimbawa sa pagsunod sa batas ay ganito ang ugali, what kind of society our country will have?

Atty. Reyes,  naniniwala po ako na hindi ganyan dapat ang ugali ng isang abogado. Wag nyong hayaan dungisan ang pangalan ng  IBP organization ng iisang tao lang.

Sana po Atty. Reyes, maipakita niyo po na sa ilalim ng iyong term as IBP President, na hindi nyo tinotolerate ang member nyo na gumagawa ng mali.

Sana po sa gitna ng divisiveness and lies na nangyayari sa mundo ng legal profession, kayo po ang magsisilbing mabuting halimbawa sa inyong organisasyon, sa academe at sa society.

Maraming salamat po. Umaasa po ang mga tao na mabibigyan nyo ng action ang kasong ito.

Lubos na gumagalang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *